Sabihin man ni Sashang hindi niya inaabangan ang paglabas ni Ethan mula sa bahay nito ay kita naman ito sa mga ikinikilos niya. Mula sa panay na pagmamasid sa kabilang bakuran hanggang sa kakaibang sipag niya para lamang makalabas mula sa gate. She feel so inspired and recharged. Mukhang ang tulad ni Ethan ang nagsilbing inspirasyon ng dalaga. Maging ang pamilya Salvador ay tuwang tuwa na rin sa pinapakita ni Sasha. Lalo na ang pagbabago sa araw araw na niluluto nito para sa pamilya, mas sumarap ito kaya talong talo nito ang mga luto sa restaurants. Ngayon lang siya nakakilala ng ganoong klaseng lalaki. Napaka-ideal kasi ng ugali nito. Hindi tuloy nito maiwasang di itanong kung totoo kaya ang lalaki o sadyang malikot lang ang imagination niya ng umagang 'yon. Impossible naman kasing mabuh

