Nanginginig ang tuhod kong napaluhod sa kinatatayuan ko, napahilamos ako sa sarili ko ng makita kong tumigil ang van sa di kalayuan. Natatakot ako! Natatakot akong makita kung anong nangyari sa lalaking pinakamamahal ko. Baka kasi si Xeno ang natamaan ng bala na 'yon o baka naman nahagip siya dahil hindi na nagsasalita si Xeno sa kabilang linya. Alam kong malakas ang pagkahulog ng phone niya. Hindi pwedeng mangyari 'yon. Hindi ko pa rin mapigilan ang luha at takot ko, pero double doubleng dasal ang ginagawa ko na sana safe lang si Xeno. Tuloy pa rin ang hikbi ko ng maramdaman kong may mga kamay na yumakap sa katawan ko. Nangilabot lalo ang katawan ko nang dumampi ang malamig na hangin dito. "Hindi ako nagproposed sayo para paiyakin ka ng ganyan." unti-unti niya akong binangon mula sa pa

