C18 HH Pumasok kami sa isang mamahalin na restaurant at agad namang may lumapit sa amin na waiter. Sumunod kami ni Ansel sa kanya at tinuro sa amin ang isang mesa. Kumuha rin siya ng tatlong baby chair at nilagay sa mesa. Nilagay naman ni Ansel ang mga bata at mabilis umupo, nag-angat din siya ng tingin sa akin ng makitang nakatayo pa rin ako. agad naman akong umupo ng makita ang tingin niya sa akin. nilagay ko rin sa katabi kong upuan ang hawak kong paper bag. Nang nakaupo ako ay napahawak ako sa aking tiyan dahil ramdam ko pa rin ang sakit nito. Tumingin siya sa menu at itinuro sa waiter ang kanyang order tahimik naman ako habang pinupunasan ang laway ni Jax dahil pinapalubo niya ang kanyang laway. Pinapalo naman niya ang aking kamay dahil ayaw niyang pinupunasan ko siya. Mayamaya p

