C24 HH SPG Nagising ako at napatingin sa bentana ng kotse. Napatingin din ako sa sa driver seat dahil nakahinto na ang kotse. Pero wala si Ansel kaya agad kong nilingon ang mga anak ko sa likod. Agad akong napatingin sa labas ng makitang si Javi at Jachin lang ang nandito at mahimbing pa rin na natutulog habang wala si Jax. Lalabas sana ako ng kotse pero naka-lock ito. Hindi naman ako mapakali habang wala si Jax at Ansel dito saan kaya sila pumunta? Nakahinga naman ako ng maluwag ng makita si Ansel na karga si Jax.May mga hawak rin siyang paper bag habang nakangiti na nakatingin kay Jax. Napangiti naman ako habang nakatingin sa kanila habang papalapit sa amin. Napatingin naman siya sa akin ng makapasok sila ng sasakyan. Kinuha ko naman sa kanya ang hawak niyang paper bag at napansin na

