C15 HH Napadaing ako ng tinulak niya ako, kaya napahiga ako sa kama, agad naman akong tumayo ng marinig ang iyak ni Jachin. Agad ko siyang nilapitan at kinarga, naupo ako sa sofa at itinaas ang aking damit. Pinupunasan ko naman ang aking pisngi habang dumedede sa aking dibdib si Jachin. Biglang lumakas ang kaba sa aking dibdib ng makita ko si Ansel papalapit sa amin ng anak ko, hindi ko mapigilang matakot sa kanya lalo na at hawak ko si Jachin, dahil baka pati siya ay saktan niya. Nag-angat ako ng tingin sa kanya ng marinig ko ang kanyang buntong hininga. Naglubong naman ang aming mga mata kaya agad akong nagyuko. “Doon mo siya ilagay sa kama.” Tumayo agad ako dahil ayokong magalit siya. karga ko pa rin si Jachin habang nakaupo ako sa kama ni Ansel. Napansin ko namang humiga siya kaya

