C32 HH “Why you didn’t told me that tomorrow is their birthday.” asik niya habang papalapit sa amin. “H-ha? N-nakalimutan ko p-pasensya ka na,” wika ko sa mahinang boses habang nasa harap na namin si Ansel. Agad akong nakaramdam ng kaba dahil bakas sa kanyang mukha ang galit. Narinig ko ang kanyang pag-buntong hininga habang may kausap siya sa kanyang phone. “Make a reservation tomorrow to my favorite restaurant.” narinig kong wika niya sa kanyang phone habang pumasok naman ako sa crib ng mga anak namin dahil natatakot akong saktan niya. “Hey, kids advance happy birthday, ano’ng gustong gift ng mga anak ko hmm?” Napa-angat ako ng tingin sa kanya ng marinig ko ang kanyang sinabi. Ang kanyang boses ay napakalambing habang lumapit sa kanya ang tatlo naming anak. “Gusto niyo ba ulit mag

