C36 HH Namilog ang mga mata ko habang pababa kami ng hagdan. Hindi ko maiwasang makaramdam ng hiya habang tumingin sa amin ang mga taong nandito. Hindi ko akalain na marami ang iniimbitahan na mga bisita ni Ansel sa kaarawan ng mga anak namin. “A-Ansel,” sambit ko sa kanyang pangalan habang humawak ako sa kanyang damit. Hindi kasi ako sanay sa maraming tao at lalong hindi ako sanay kapag nasa akin ang atensyon nila. Hinawakan ni Ansel ang aking mga kamay habang buhat namin ang mga anak namin. “Don’t be shy.” Napatingin ako sa kanya habang nasa mga bisita ang kanyang atensyon. Humawak ako ng mahigpit sa kanya habang patuloy kami sa paghakbang pababa. “Happy birthday!!” sabay nilang sigaw ng makababa kami at ang mga anak namin. tuwang-tuwa naman sila habang nakatingin sa mga tao na nand

