C45 HH Lumipas ang mga buwan at masaya akong kasama si Ansel at ang mga anak namin. Ngayong araw gaganapin ang kasal namin at isang simple wedding lang ang pinili ko. ang mahalaga ay kasal kami sa harap ng Diyos at sa loob ng simbahan. “Anak Jell, bilisan mo na dyan at kanina pa sila naghihintay sa ‘yo sa simbahan,” Wika ni Mommy kaya agad na akong tumayo. Ngumiti ako kay Mommy at agad humawak sa kanyang braso. “Congrats anak,” Wika ni Mommy habang palabas kami ng pinto napatigil naman ako ng makita si Daddy na nakatayo sa harap namin. Napansin ko rin ang pasimple niyang pagpunas sa kanyang mga mata. “Dad,” mahinang sambit ko habang dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Simula kasi ng makauwi ako dito ay hindi niya pa rin ako kinakausap, pero nakikita ko naman siyang kinakarga at kinaka

