Prt. 2 SB 80: Sweetest goodbye HINDI naging madali para kay Denzel na i-balanse ang lahat sapagkat marami na siyang iniisip. Una, sa ginagawa niyang pag-aasam na muling magbalik si Crim Carl ay pakiramdam niya she’s cheating to Hezekiah. Pangawala ay ang pag-asang buhay pa si Crim. At pangatlo ang kanilang misyon na siguradong malaking hadlang sa kanyang mga gustong gawin. “Goodmorning,” bati ni Hezekiah sa kanya at humalik ito sa kanyang noo. Kagigising lang nila at himala dahil ang agang gumising ng lalaki. “Ang aga-aga may malalim ka nang iniisip. Hindi na iyon normal. I’ve been seeing you lately na ganya ang inaakto. And I can’t help myself not to worry.” Tipid na ngumiti si Denzel at hinarap ang lalaki. Hinaplos niya ang mukha nito dahilan para maipikit ng lalaki ang mga mata nito

