Prt. 2 Kabanata 85: Hanggang Sa Dulo Lumipas ang mga taon ay sa wakas napagtanto kong si Dave talaga ang para sa akin. Hindi man niya nabuo ang puso kong wakas at least gumawa siya ng bago para sa akin. Tama nga siya, hindi ko kailangan kalimutan si Franco. Kailangan ko lang magpalaya. Ngayon, heto na naman ako, naghihintay kay Dave para sa aming 8th year anniversary. Sobrang tagal, nasa 30's na kami at ngayon lang namin iyon napagtanto. Nauna akong dumating sa meeting place namin ni Dave to celebrate ang aming 8th year anniversary na magnobyo. Ang akala ko'y maghihintay ako ngunit dumating siya. He's wearing polo na sobrang pamilyar sa akin. Agad akong napaluha nang maalala ko ang polo. Ito ang polo na isinuot ni Franco ng mamatay siya. Tinitigan ko ito para makasigurado.

