Prt. 1 Kabanata 74: Muling Pagkawasak NANGINIG bigla ang kalamnan ni Denzel nang makita ang paghahalikan ng dalawa. Sunod-sunod ang kanyang paglunok ng laway at hindi niya namalayan na tumutulo na pala ang kanyang mga luha. Paalis na siya nang makita siya ni Hezekiah. Nagulat ang lalaki kaya naitulak nito Samantha. Nagmamadaling umalis si Denzel. Tinawag siya ng lalaki ngunit hindi siya lumingon. Para saan pa? Sapat na ang kanyang nakitang paghahalikan ng dalawa. Sobrang bigat ng kanyang pakiramdam. Tila mamamatay na si Denzel dahil sa kanyang nakita. “Denzel,” biglang hinawakan ni Hezekiah ang kanyang braso. Napahinto siya sa paglalakad at masamang tiningnan ang lalaki. “Ano? Magpapaliwanag ka? Ay. Hindi na pwede, nakita ko sa dalawang mata ko ang inyong paglalandian kaya hindi mo n

