Prt. 2 Kabanata 82: Traydor MUKHANG nakikiayon ang tadhana sa kanila. Hindi na kailangan nilang maghalughog pa dahil isang grasya na ang kanilang nakuha. “Alam ko at alam mo na mayroong problema sainyo kung bakit ka nagmamanman sa kung anong mayroon ang gitna ng gubat?” “Hindi naman talaga isang problema iyon sa amin dahil wala naman silang ginagawang masama sa amin. Talagang nakapagtataka kung bakit mayroong isang establisyemento roon.” “Kaya mo iyon minanmanan?” Isa pa rin iyong lead kay Denzel. Kung hindi sila apektado kung anong mayroong nakatayo sa puso ng gubat ay malamang hindi talaga kalikasan ang punterya nito. “Ano ang iyong mga nakita roon?” Sandaling napaisip ang lalaki. Mukhang nag-aalangan itong sabihin sa kanya kung anuman ang nasaksihan roon. “Huwag kang matakot sa a

