Kabanata 63: Hezekiah Blake PASADO alas dyes na ng gabi nang hindi pa rin nila maisipang matulog. Bukod sa hindi pa sila inaantok ay marami silang nakain dalawa at hindi mabuting matutulog na mabigat ang tiyan. “Ano ang gusto mong gawin ngayon?” “Hindi ko alam pero sinasabi ng isip ko ay kausap.” “Kausap? Sige, puwede ako,” nakangiting wika ng lalaki. “Ano naman ang pag-uusapan natin?” “Hmm,” nag-isip si Nicholas. “I want to know more about Crim Carl kung okay lang saiyo. Gusto ko lang siya makilala. Gusto kong malaman kung anong klasing tao si Crim kung bakit ka niya napaibig.” “Ay sos... sigurado ka ba diyan?” may pagaalangang tanong ni Denzel. “Oo naman, bakit hindi? At sa tingin ko ay makakatulong iyon saiyo para maipalabas mo ang iyong lungkot. You know what I mean? Kahit ang

