𝙺𝙲-04

1157 Words
--* π™Ίπšπšˆπš‚πšƒπ™°π™» π™Ώπ™Ύπš… π™Ώπ™°π™Άπ™³π™°πšƒπ™Έπ™½π™Ά 𝙺𝙾 πš‚π™° πšƒπ™°π™Ώπ™°πšƒ ng bahay ni tito Cesar ay agad akong nag-doorbell habang may ngiti sa labi. Kaagad naman bumukas ang gate at hindi ako naghintay ng matagal sa labas. Kahit may edad na si Manang ay malakas parin siya at maliksi. " Hi, maam." Bati niya sakin. " Hello po. Si mommy nandiyan na?" Tanong ko naman. " Ay, opo maam. Kumakain na po sila." Sagot nito kaya tumango saka pumasok nasa loob at pumunta sa bahay. Dumeretso ako sa may kusina. Nakita ko nga sila at kumakain na. Hindi manlang ako hinintay. Alam ni mommy na kina ninong ako dahil nagpaalam ako kanina sa text. Mukhang naisip niyang doon na ako kakain. Pero hindi pa ako kumakain. Wala kasi akong gana. " Hi, mommy tito." Masaya kong bati sa kanila sabay lapit sa mga ito. " Hi, iha. Kumain kana ba?" Tanong naman sakin ni mommy ng matapos ko silang yakapin ni tito. Nakita ko namang tumayo na si kuya Connor sa kanyang kinauupuan. " Tapos kana?" Tanong ko kay kuya kesa sagutin ang tanong ni mommy Arisa. " Yeah." Tipid nitong sagot saka nagpaalam na kina mommy at tito. Nasundan kona lang siya ng tingin habang palabas ng kusina. " Pagpasensyahan muna lang ang kuya mo, Krystal. Masyado lang talagang tahimik." Sabi ni tito kaya tumango na lang ako. Tapos ay naupo sa upuan na ginamit ni kuya. Naramdaman ko agad ang init ng upuan. Binigyan naman ako ng bagong pinggan ni Manang. " How's your day, iha?" Tanong ni mommy habang kumakain na kami. " Bored." Tipid kong sagot kay mommy habang ngumunguya ng pagkain. Masasarap ang nakahain sa hapagkainan. Kaunti lang kami sa bahay pero palaging maraming ulam. Mga apat na putahe. Gano'n kagalante si Tito Cesar dahil mahal niya si mommy. Pero hindi naman nasasayang ang mga pagkain dahil kaunti lang naman ang niluluto ni manang. Siguro mga 1kilo bawat putahe. Hindi kasi kami nakain ni mommy ng gulay. Kaya kailangan ay mayroong isda o karne sa hapagkainan. Sina tito at kuya Connor lang ang kumakain ng gulay. " Bakit hindi kana lang magtrabaho sa restaurant ng tito Cesar mo? Sa sahuran kana lang niya." " I'll try mommy. Kilala niyo naman ako. Mabilis ako manawa, sa una lang ako magaling." " Paano ba naman kasi. Nasanay ka sa buhay natin dati. Wala kang ginawa kundi mag-roadtrip, out of town, etc." Sabi ng mommy ko. Maganda pa kasi ang buhay namin dati noong sila pa ni daddy. Ngayon hindi na dahil iba na ang asawa ng mommy. " Pwede ka naman mag-work sa restaurant, iha. Kong kailan mo gusto. May sahod ka parin." Singit ni tito Cesar. " Wow, talaga po?" Masaya kong tanong. " Nako, huwag mong sanayin at spoiled ang anak ko. Baka masaya at hindi mo kayanin." Saway naman ni mommy kay tito. Napanguso naman ako. " Hindi naman, hon. Para hindi lang siya ma-bored dito sa bahay." Paglalambing ni tito kay mommy. " Salamat po tito." Nakangiti ko namang sabi. " Kapag gusto ko pong mag-work sa restaurant niyo. Magsasabi po ako." Ani ko sa kanya. " Sige iha. Aasahan ko 'yan." May ngiti sa labing saad nito. Nagpatuloy kami sa pagkain. Hanggang sa matapos na kami. Pumunta ako sa kwarto ko sa taas, katabi ng kwarto ni kuya Connor. Samantala kina mommy naman ay sa baba ang kwarto nila. Actually, hindi naman up and down ang bahay nila tito Cesar. May tatlong palapag na hagdanan para makapunta sa kwarto namin. Then sa ground floor ang kwarto nila tito. Ang ganda nga ng pagkaka-design ng bahay. Akala mo walang taas o baba ang bahay. Pero merun. Ngunit hindi stay in si manang. Parang katulad kina ninong noon. Bago ako pumasok sa loob ng kwarto ko ay napalingon ako sa kwarto ni kuya Connor. Nakasarado iyon at mukhang nagwowork na naman si kuya. Huminga ako ng malalim at tuluyan ng pumasok sa loon ng silid ko. Then dumeretso sa banyo para maligo muna bago matulog. 5 mins lang ang tinagal ko sa banyo at lumabas 'din agad ako. Tapos ay pumunta sa may kabenet habang nakatapis ng tuwalya. Nagbihis agad ako saka nag-cleanser ng mukha ko at nag-lotion ng katawan. Hindi ako sanay na hindi naglo-lotion bago matulog. Pero dahil hindi pa ako inaantok ay lumabas muna ako ng kwarto at pumunta sa kusina para mag-timpla ng gatas. Ngunit nakita ko pa doon si manang. " Oh, bakit hindi kapa nauwe manang?" Tanong ko sa kanya. " Nagpapatimpla ng kape si sir Connor. Pero uuwe na rin ako." Saad nito na may ngiti sa labi. " Sige ako na po magdadala sa kanya para makauwe kana po." Alok ko sa kanya. " Sure ka maam? Baka magalit si sir Connor." Parang kinakabahan na tanong niya. Sino ba naman kasing hindi kakabahan kong gano'n kasungit ang lalaking 'yun? " Hindi po. Huwag po kayo mag-alala." Nakangiti ko naman sagot para hindi na siya kabahan. " Sige maam. Salamat po." Anito saka nagpaalam na dahil gabi na. Then ako naman ay nagdala ng kape ni kuya Connor para magpa-goodjob at hindi na magalit sakin. Pagdating sa tapat ng kwarto ni kuya Connor ay kumatok ako ng tatlong beses bago ko narinig ang boses nito. " Pasok." Shit! ang sarap ng boses niya. Lalaking-lalake at buong-buo. Sabi ko sa isip. Huy! mag-hulos dili ka, neng. Sabi ng epal kong isip. Then hinawakan kona ang doorknob bago tinulak pa bukas ang pintuan. Hindi ako nagsalita at nakita ko si kuya Connor habang may ginagawa sa tapat ng screen ng laptop niya. At maya-maya'y lumingon siya sakin. Tila nagulat ng makita ako. " What the fvck! What are you doing here?" Galit na tanong niya sakin habang salubong ang makakapal niyang kilay. Kinilabutan naman ako sa galit ng boses niya at hindi nakapagsalita sa sobrang takot. At sobrang bilis rin ng t***k ng puso ko. Pati mga tuhod ko ay nangangatog habang nakatingin ako sa kanya. Hindi ko akalain na matatakot ako sa kanya. Buti nga ay hindi ko nabitawan ang tasa ng kape sa sobrang kaba ko. Ayan kasi, pakialamera ka kasi. Pang-aasar ng utak ko. Palihim naman akong napaismid dahil sa sinabi ng utak ko. " Uuwe na kasi si manang, kuya. Kaya-" " Don't call me that!" Mariin at punΓ³ ng lamig na sabi niya dahilan para mapahinto ako sa pagsasalita. " Okey sorry." Pagtataray ko naman kahit kabado. " Dinalhan na nga ng kape sungit-sungit pa." Inis kong sambit saka dinala ang tasa ng kape sa may table niya saka inis ko siyang inirapan at pumunta sa pintuan para lumabas. Paglabas ko at maisara na ang pintuan ay huminga ako ng malalim dahil sa labis na kaba. Akala ko may gagawin siya sakin kaya sobrang kabado ako kanina. Kapagkuwan ay napangiti ako dahil sinungitan ko siya. Akala niya siguro ay siya lang may karapatan magsungit. Pumunta ulet ako sa kusina para mag-timpla ng gatas ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD