BUMUNTONG hininga ako at sinipat ng tingin si Creios na ngayon ay mahimbing nang natutulog sa kama namin. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa harapan ng study table ko at nilapitan ang anak. Inayos ko ang natanggal nitong kumot at muling ibinalot ito sa katawan niya. Medyo malalim na ang gabi pero gising na gising pa rin ako. Nagpa-plano pa rin kasi ako para sa nalalapit na kaarawan ni Creios. It's his 5th birthday. Nawala sa anak ang atensiyon ko nang marinig ko ang pagtunog ng phone ko. Nagmamadali ko itong kinuha sa bedside table kung saan ito nakalapag. Napatitig ako sa mensaheng dumating galing kay Aeious, sinasabi na nasa labas siya ng bahay ngayon dahilan para mapatingin ako sa oras. It's already 10 in the evening. Ano pa ang ginagawa niya sa bahay sa ganitong oras? Bago lumabas ng

