“Bakit ba kasi ayaw mo? Sayang naman! You have the perfect body, the fierceness, the walk, aura, and all! Hindi ako papayag na iba ang magsuot ng dress na ‘yon kung hindi ikaw!” I sipped on my wine. Nagtagal ang paningin ko sa dance floor at iniwas ang tingin nang may kumaway sa akin. Francisco continued reciting everything he’s saying. Paulit-ulit lang ang mga sinasabi niya at patuloy lang ako sa pag-ignora. Actually, kanina pa siya salita nang salita pero hindi ko lang talaga pinapansin. “What?” baling ko sa kaniya nang mahina siyang suminghal. I chuckled when I noticed that he’s already annoyed. “I already told you, wala akong oras para sa ganiyan. Marami ka namang kakilalang modelo na sigurado ako ay mas magaling kaya, for sure, mas madadala nila ang disenyo mo.” Francisco is a f

