26

1847 Words
Azreel pov. "Ms. Faith" napatigil kami ni Ziara sa may gate, at napalingon sa likuran namin. "Wassup Liha" nakangiteng sabi ko. "Tss, ganda ganda ng pangalan ko tas Liha?! Liha? Tss" natatawang sambit niya. "So tinawag mo lang ako para diyan?" Tanong ko. "Hindi no, may sasabihin kase ako." Sambit niya, "Ano?" Curious na tanong ko. "Good morning, Faith!!!" Malakas na malakas na sabi niya, halos lahat ng dumadaan napatingen sa kaniya, napayuko nalang ako ng wala sa oras, kahit kailan talaga agaw atensiyon tong si Liam tsk. "Muka kang tanga" sambit ko atsaka tumalikod na, narinig ko pang tinatawag niya ako pero hinila ko nalang si Ziara para makapasok. "Azy!" Napalingon kami sa field ng tinawag ako ni William. "Is that William, unnie?" Tanong ni Ziara habang nakatanaw kami kay William na papalapit na saamin. "Yes, why?" Tanong ko. "I don't like him" bigla akong napalingon sa kaniya, siya naman ay walang ganang nakatingen kay William. "Huh?" Di ko nakuha ang sinabi niya. "I mean, if you like him. I don't like him for you." Sambit niya na ikina awang ng bibig ko. Napakurap kurap pa ako sa kaniya, bago nag proseso ang sinabi niya sa utak ko. Naramdaman ko nalang si william sa tabi ko pero kay Ziara pa rin ako nakatingen na ngayon ay sa cellphone niya na nakatutok. "Azy, tara samahan na kita." sabi ni william atsaka ako inakbayan, napansin ko naman ang palihim na pagsulyap saamin ni Ziara, dahil nasa harap namin siya habang naglalakad. Nang makarating kami sa room niya ay saktong nakita ko rin sila. Sky, Tristan, and Liam, ginagawa ng mga to dito? "Thanks unnie" saakin lang nakatingin si Ziara, kahit kaunti ay hindi niya nililipat ang tingen kay William. "S-sige hehe" ackward na sabi ko. "Byee, Ziara right? See you mamaya" magsasalita sana ako kaso biglang nagsalita si William, hindi niya ba ramdam na ayaw sa kaniya ni Ziara? Tinignan siya ni Ziara ng ulo hanggang paa, Ako yung kinakabahan para sa sasabihin ni Ziara. Y*wa. "Psh, I don't ask yo--" hindi natuloy ni Ziara ang sasabihin ng may magsalita sa likod niya. "Hi babaeng koreana" sabay sabay kaming napatingen kay Skee habang kumakaway siya saamin. Kumaway ako pabalik sa kaniya, tinanguan niya lang ako at muling tumingin kay Ziara, na ngayon ay dumiretso na sa upuan niya. "Snobber ka na niyan?" Tanong ni Skee atsaka tumayo sa harap ni Ziara. Si Ziara naman ay nagpanggap na nagbabasa kahit nakabaliktad naman talaga ang librong hawak niya. "Sige ganto nalang, pag hindi mo ako pinansin ibig sabihin gusto mo ako!" Malakas na sabi ni skee kaya nakuha niya ang attention ng mga studyante sa loob ng room, pati sila Liam na nasa labas ay napatingen. Napataas naman ang kilay ni Ziara atsaka tumingin kay Skee, napansin ko si Luke na nagbabasa pa rin ng libro pero halata namang wala dun ang focus niya dahil mabilis niya lang nililipat ang bawat pahina nito. "Sige ano, subukan mo ako ngayon." mayabang na sabi ni Skee. Tumayo naman si Ziara atsaka pinantayan si Skee. "What if?" Lahat ng tao na nasa loob ng room ay nag aantay sa sasabihin niya. "What if ano?" Takang tanong ni Skee. "What if i say YES.?" Napa "ohh" ang ibang studyante sa loob ng room, napatingen naman ako kay Luke na napapikit at nagsimula ulit magbasa. Siguro ay sinusubukan niyang ibalik ang attention niya sa libro. "Say yes? Para san?" Hindi nakuha ni Skee ang ibig sabihin ni Ziara. "Yes, I. Like. YOU." seryoso pa rin si Ziara habang sinasabi yun, si Skee naman ay napa atras. Tinignan ko sila Liam pati sila ay gulat. Si Tristan na napaka laki ng ngite, Si Liam na tatawa tawa, Si Sky na di makapaniwala at si Lucas? Andito na pala siya, Si Lucas na as usual walang reaction. Magsasalita na sana si Skee ng biglang binato ni Luke ang binabasa niyang libro, lahat ay nagulat pati sila lucas na napaatras ganun den kami ni william si Ziara naman ay napatakip ng tenga niya at si Skee na napamura pa. "Tss" tanging sambit ni Luke atsaka lumabas ng classroom. Mukhang nawala siya sa mood dahil sa ingay sa loob ng classroom, kung ako den naman siguro yan ay magagalit ako lalo na't nagbabasa siya ng libro. "Ikaw kasi ih" sisi ni Skee kay Ziara. Tinarayan lang siya ni Ziara atsaka kinuha ang librong binabasa ni Luke, inayos niya pa to atsaka kinuha ang bag niya at umalis na, napahinto siya ng makita kami. Ngumiti siya saakin at napatingen din kila Liam, hindi niya man lang tinignan si William. "Hi kuya tris, Sky, liam" nakangite siyang lumapit sa tatlo, si Lucas naman ay nawala na. "Hey wassup Ziara" nag apir pa si Tristan at Ziara na akala mo ganun na talaga sila ka close, o baka naman close na talaga sila? "Hi Zia" eh? May sariling nickname si Ziara kay Sky huh? Dalawang kamay ang apiran nila. "Walang pagbabago, Gwapong Liam is here" nakangite pa si Ziara atsaka niyakap si Liam. Napatingen kami ni william ng lumabas si Skee ng classroom. "Sundan ko lang si haponess" sambit ni skee at patakbong bumaba. "Unnie, let's go?" Tanong niya saakin kahit nagtataka ay sumama ako, pati sila liam ay nakasunod. "Ahh, Zi. San us punta?" Tanong ko, tumingin din ako sa relo ko, 20 minutes pa bago mag start ang class namin. "Una na pala ako azy, hinahanap ako ni Luis, kaibigan ko." sabi niya atsaka nakangiteng kumaway saakin. Ng wala na si William ay tumabi na saakin si Ziara sila Liam ay nakasunod pa rin saamin, pangarap ata nila maging body guard no? Tss. Papasok na sana kami sa building ng teacher's ng bigla kaming may narinig na basag mula sa itaas, sabay sabay kaming napalingon at nakita ko na may mop na mahuhulog sa direksiyon ko, ewan pero biglang nag slomo yung paligid. -------- Sky pov. Papasok na kami dapat sa teacher's building dahil magpapaalam si Ziara na hindi makakapunta sa first subject nila dahil nahihilo siya, sabi ko ipaalam niya sa ate niya, ang sabi niya lang ay wag na dahil oa daw mag react ang unnie niya. Malapit na kaming makapasok sa building na to ng may marinig kaming pagkabasag, lahat kami ay napalingon sa second floor kung saan, tint glass ang building na yon. May nakita akong mop na babagsak sa direksiyon namin, wait?! Hindi, hindi saaming tatlo babagsak to, dahan dahan kong tinignan kung saan babagsak to, kay Ms. Faith?!. -------- Liam's pov. Habang naglalakad kami ay kumakaway ako sa mga fans ko na halos mamatay na, s**t ang gwapo ko talaga! Napatigil lang ako ng may marinig akong basag, napalingon ako sa second floor nung dun ko marinig yun, dahil nasisilaw ang magaganda kong mata ay nagsalamin pa ako bago makita yung babagsak na mop. See? Pati mop na fall saakin. s**t Liam Tan buti nalang di ka napapagod maging gwapo. Nakampante ako ng makitang hindi naman saamin babagsak yun, pero ng mapalingon ako kay Faith na nakatingala lang at mukhang hindi makagalaw ay muli akong tumingin sa taas, at tinanto kung saan to babagsak, wait!? Kay Faith! ------- Tristan pov. Habang taas noo akong naglalakad dito malapit na sa teacher's building ay bigla akong napatid sa maliit na bato, buti nalang di nagasgasan yung makinis kong mukha. Yung bato kasi! Ang tanga di manlang umiwas! Napatigil ako ng makita ko silang di na naglalakad, problema ng mga to? Ngayon lang ba nila narealize na ang gwapo ng kasabay nila at mukhang celebrity? Sheyt ito na ata Tristan the handsome. Pero nagulat ako ng maramdaman ang maliliit na bubog na nalalaglag saamin, agad akong tumingala at nakita ang mop na malalaglag na sa direksiyon ni Ms. Faith? Wait sandali, hintay! Ay g*go iisa lang pala yun. Pero bago pa matamaan si Ms. Faith ay niyakap ko na siya at hinarang ang katawan ko. Siyempre kahit naman ganto ako gentleman to no. Inlove nanaman kayo niyan saakin? -------- Azreel pov. Palapit na ng palapit ang mop at hindi ako makagalaw dito, gustong gusto kong umalis pero parang ayaw ng katawan ko. Pumikit nalang ako at hinintay na mabagsakan nitong malaking mop, pero nagulat ako ng may yumakap saakin at hinarang niya ang katawan niya. Nakita ko sa peripheral vision ko na may humila kay Ziara pero hindi ko nakita kung sino. "A-ouch" narinig ko ang pag daing ni Tristan dahil sa mga bubog na nalalaglag sa likod niya, atsaka ang mop na malakas na kumalabog sa kaniya, ayan pabida ka pa ah. "A-aray, y-y*wa" muntik pa akong matawa sa kaniya dahil kahit na nasasaktan ay nagagawa niya pa ring mag mura. Matapos ang ilang pag inda niya ng bubog ay umalis na rin siya sa pagkakayakap saakin, pero hinawakan niya rin ang wrist ko at hinila ako palayo sa pwesto na yun, hila hila niya lang ako habang sumisingit kami sa mga studyante dito na pinagbubulungan kami. 'ang swerte niya talaga palagi' 'i wish i was her' 'tsk di naman sila bagay' Nang makalayo kami dun ay naupo kami sa bench tinignan ko siya na hanggang ngayon ay iniinda ang sakit, may mga galos siya sa braso dahil na rin siguro sa mga bubog. "Tara sa clinic" sabi ko atsaka siya inalalayan, aalis na sana kami ng may humarang saamin, dahan dahan ko siyang tinignan at nakita ko si Leana nanaman! "After my kuya, now tristan naman? how pathetic" sa inis ko ay nabitawan ko si tristan kaya ayun sumalampak siya sa sahig. "Aray ko, yaw* to, hagis kita sa mars tamo" sabi niya atsaka dahan dahang tumayo kahit iniinda ang mga galos, arte no? "Leave" sambit ni Leana, eh? Tanga ba siya? Leave? Eh siya nga tong humarang saamin. "Leave, leave, ikaw umalis diyan no?" Sarcastic na sabi ko. "Are you sumasagot na to me?!" Inis na sabi niya. "Ka conyohan mo Leana, para kang tanga." singet ni Tristan na kakatayo lang. "Don't sabat sabat to us okay?!, Your not my kausap!" Sigaw niya dito, hindi naman na nagsalita si Tristan at pinagpagan nalang ang suot niya. "Now, leave. I don't want to see your face on my harapan" sabi niya atsaka nag flip ng hair. "Ihampasin ko kaya sayo ang dictionary Leana para umayos yang pagsasalita mo?" Singet nanaman ni tristan! "I said i do--" di niya natuloy ang sasabihin niya ng hinila na ko ni tristan paalis sa kanila. "Leana mukha kang mais! Sa susunod mag suot ka ng mask para di ko na makita yang pag mumukha mo!" Sigaw ni Tristan na ikina pula ng mukha ni Leana. Pagdating namin sa clinic ay pinahiga muna si tristan dun, naupo lang ako sa gilid niya habang si doc naman ay ginagamot yung malilit na sugat at gasgas niya. Pagkatapos nun ay umalis na rin si doc at bumalik sa opisina niya. "Ngayon ikaw naman magbantay saakin, para quits na tayo" sabi niya atsaka nag yawn. "Tulog lang si me, gisingin mo nalang ako kapag na realize mo ng pogi ako" napa awang ang bibig ko sa sinabi niya, ang kapal ng mukha yaw*.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD