Azreel pov.
Nakahiga lang ako dito sa kwarto magdamag, 3 hours na yata akong nakadapa at nakatingen lang dito sa bintana.
Actually nakikita ko sila Liam tan. Kase yung bintana ko eh katapat lang ng balcony nila.
Nakita ko si Liam tan na tumakbo ng dalawang balik pababa at paakyat.
nakita ko naman si Lucas na naglalakad habang nakapang tulog at halatang naistorbo sa pagtulog.
At si Luke na as usual nagbabasa ng libro habang may hawak na sandwich.
Napatingen ako kay Liam tan ng dumaan ulit siya malapit sa balcony at mukhang may kinuhang gamit, pababa na dapat siya ng bigla siyang madulas at nagdirediretso na sa hagdan malamang.
"Pfft. HAHAHAHA" tawa ako ng tawa dahil sa kabobohan na ginawa niya. Antanga HAHHAHAA.
*Ting*
Napatingen ako sa cellphone kong nakalapag sa study table ko ng tumunog to. Agad akong tumayo kahit ayoko para lang tignan ang cellphone ko.
May message si william saakin kaya agad ko tong pinindot.
William: can we meet? Susunduin kita sa inyo. May gusto lang sana akong ipakita sayo.
Basa ko sa chat niya kahit nagtataka ako ay nag-oo ako sa kaniya, gusto ko den kase mag sorry sa ginawa ko.
---------
After ng 15 minutes ay may narinig na akong bumusina tumingin pa ako sa bintana ng kwarto ko at nakita ko na nga ang sasakyan ni william.
Nag bihis lang ako ng isang long sleeve na damit at pantalon, nag sandals lang den ako at nag ponytail ako ng buhok, masyado kasing maiinit. 5:00 palang ng hapon.
Pagkababa ko naabutan ko si Ziara na nakaupo sa sahig habang nag susulat sa mesa.
"Where are you going unnie?" Takang tanong niya.
"Diyan lang, babalik den ako before dinner" sambit ko atsaka kinuha ang wallet ko.
"Okay" sabi niya atsaka bumalik sa ginagawa niya.
Pagkalabas ko ay nakita ko naman si manang na nag didilig ng halaman.
"Saan ang punta mo azreel?" Tanong nito.
"Diyan lang po, babalik den ako before dinner" sambit ko atsaka ngumite kay manang, tinanguan lang ako nito kaya lumabas na ako ng gate.
Pagkalabas ko nakita ko na ang sasakyan ni william, medyo malayo dito sa bahay, ang pinarkan niya.
"Az" walang boses na sambit niya atsaka kinaway ang kamay.
Bago ako lumapit sa sasakyan na yun, nakita ko si Liam tan na nakaupo sa may upuan ng garden nila, kasama niya si Lucas na naka headset at si Luke na nagbabasa ng libro.
Pagkasakay ko sa sasakyan ni william ay nginitian ko na siya atsaka niya pinaandar ang sasakyan niya.
Naka suot lang siya ng hoodie na white at black na pants.
"San pala punta naten?" Pagbabasag ko sa katahimikan.
"May ipapakita lang ako sayong lugar" sambit niya at saglit akong nilingon.
"Ahh sige" sabi ko at tumingin nalang ulit sa bintana.
"Andito na tayo" sambit niya atsaka ako pinagbuksan ng pinto.
"Thanks." sabi ko ngumiti lang siya saakin atsaka muling sinara ang pinto ng sasakyan.
Napatingen ako sa lugar may mga puno, hindi siya mukhang gubat. Nagdire diretso lang kami hanggang sa makarating kami sa pinaka malaking puno.
Sa malaking punong yun may duyan sa ilalim niya.
"Maganda ba?" Tanong ni william atsaka naupo sa upuang kahoy dun malapit sa duyan.
"Hmm?" Sambit ko atsaka inikot ang paningin sa lugar.
Naupo ako sa duyan atsaka tumingin sa tanawin, maganda dito kase kita mo yung buong city.
Palubog na rin ang araw kaya mas lalong gumanda.
"Maganda naman" mahinang sabi ko.
"Sorry nga pala" sambit niya kaya nilingon ko siya.
"Sorry den" nakangiteng sabi ko.
"Tama na nga kadramahan! Ano ba yan HAHAHA" natawa den siya sa sinabi ko.
"What time is it?" Tanong niya, agad akong tumingin sa relo ko.
"5:30 pm" sambit ko.
"Wait huh" sabi niya atsaka may kinuha sa sasakyan niya.
"Gitara?" Takang sambit ko.
"Marunong kabang kumanta?" Tanong niya.
"Oo" nakangiteng sambit ko.
"Sana orl" hindi ko ma idedeny na namiss ko si william.
"Anong kanta gusto mo?" Tanong niya.
"Kalawakan" sambit ko atsaka tumingin sa langit.
May buwan na agad. Medyo madilim na rin.
"Sige." Sambit niya atsaka kinalabit ang string ng gitara.
'Oh kay sarap sa ilalim ng kalawakan.
Kapag kapiling kang tumitig sa kawalan.
Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan.
Nating dalawa, nating dalawa.'
Sa unang pagkanta ko palang napatingen na siya saakin, hindi niya ata inaasahan na ganto kaganda ang boses ko.
Talent na siguro ng pamilya namin to, ang pagiging magaling sa pagkanta.
'Tanaw pa rin kita, sinta.
Kay layo ma'y nagniningning, mistula kang tala.
Sa tuwing nakakasama ka
Lumiliwanag ang daan sa kislap ng 'yong mga mata.'
Nakatingen lang siya saakin habang kumakanta ako.
'Pag ikaw ang kasabay, puso'y napapalagay
Gabi'y tumatamis tuwing hawak ko ang 'yong kamay.'
Napatingen ako sa langit ng magdilim na, napaka ganda ng buwan.
'Oh--
Di ko na natuloy ang susunod na linya ng sumingit siya.
'Oh kay sarap sa ilalim ng
kalawakan
Kapag kapiling kang tumitig sa kawalan
Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan
Nating dalawa, nating dalawa.'
Nagulat ako ng siya na ang kumanta. Hindi ako makapaniwala. Ang ganda ng boses niya! Ang kalma lang ng boses niya, yung parang kaya kang pakalmahin ano mang oras.
'Simoy ng hangin na kay lamig sa katawan.
Daig pa rin ng liyab na 'king nararamdaman.
Sa tuwing tayo'y magkabilang mundo.
Isang tingin ko lang sa buwan, napalapit na rin sa iyo.'
Kanta niya pa, hindi ko maialis ang paningin ko sa kaniya. Tumutugtog siya habang nakatingen sa buwan.
'Langit ay nakangiti, nag-aabang sa sandali.
'Buong paligid ay nasasabik sa 'ting halik.'
Napangite ako ng tumingin siya saakin.
'Oh kay sarap sa ilalim ng kalawakan.
Kapag kapiling kang tumitig sa kawalan.
Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan.
Nating dalawa, nating dalawa'
Sabay na kanta namin habang nakatingin kami sa isa't isa.
'Oh kay sarap sa ilalim ng kalawakan
Kapag kapiling kang tumitig sa kawalan
Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan
Nating dalawa, nating dalawa.'
Nakangite ako habang kinakanta ko ang linya na yun.
'Halika na sa ilalim ng kalawakan
Samahan mo akong tumitig sa kawalan
Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan
Nating dalawa, nating dalawa' (2)
Sa huling linya ay siya na ang kumanta, nakatitig lang ako sa kaniya habang siya ay nakapikit.
Nagtagal pa kami ng ilang oras dito, tinext ko na lang si Ziara na matatagalan ako, kaya wag na nila ako antayin.
"Oh Azy 11:11 na wish na tayo?" Tanong niya.
"11:11? Totoo bang pwedeng magwish diyan?" Takang tanong ko.
"Oo naman, Kaya tara wish na us" sambit niya atsaka pumikit, ganun den ang ginawa ko.
'11:11 sana si William na.' yun lang ang wish ko, gusto ko lang ay siya. Siya lang.
Mahirap mag deny kaya't oo siguro. I'm starting to fall in love with william..
"Az anong wish mo?" Tanong ni william pagka dilat ko.
"Bawal malaman, baka di na magkatotoo yun" natatawang sambit ko.
"Damot" bulong niya na ikinatawa ko.
Hinding hindi ko makakalimutan ang araw na to.
"Etong Valentine's na to ang pinaka memorable para saakin." nakangiteng sambit niya.
"Same" mahinang sambit ko atsaka muling tumingin sa buwan.