17

2141 Words
Azreel pov. Hingal na hingal akong pumasok sa room atska pa bagsak na naupo sa upuan ko. "Okay ka na Ms. Faith?" Tanong ni tristan "Papasok ba ako kung Hindi ako okay?" Pilosopo kong sagot "Sabi ko nga okay kana." Pabulong na sabi niya lang pero narinig ko parin. "William!" Sigaw ko ng makita ko siyang naglalakad sa labas ng room namin, agad akong tumakbo palabas at lumapit dito. "Oh hi az, musta kana? Nabalitaan ko nagkalagnat ka daw?" Sunod sunod na tanong niya. "Oo, pero ayos naman na ako" nakangiteng sambit ko. "Mabuti naman, o sige kita tayo mamaya?" William. "Sige, libre mo ko mamaya ah!" Sambit ko atska ko siya siniko ng mahina. "Kuripot mo talaga, oo na. Pumasok kana dun ayun na prof niyo oh." Sambit nito sabay turo sa hagdan. "Sige, mamaya ah!" Pahabol na sabi ko atska na pumasok sa loob. ------ Break time na at kanina pa ako nakaupo dito sa bench inaantay ko kasi si william nasa klase pa daw siya. "Az!" Napalingon ako ng may biglang tumawag saakin. "Oh willia--" napatigil ako ng makita ko si Ziara na may pinagtataggol na babae sa dalawang lalaki, Nakita kong lumapit dun sila Liam tan kaya patakbo akong pumunta kay Ziara. "Az wait lang" kahit nagtataka ay sinundan pa rin ako ni william. "Ziara!" Sigaw ko at nakuha ko naman ang attention nila. "Anong nangyayare dito?" Pagka lapit na pagkalapit ko ay yun na agad ang lumabas sa bibig ko. "they are because unnie they are bullying sophia" sambit ni Ziara saba'y turo sa dalawang lalaki. Ang unang lalaki ay mahahalata mo na agad ang yabang dito, atska parang magka-mukha sila ni sky? Maputi atska mahaba ang buhok. Ang pangalawa naman ay naka salamin pero di siya mukhang nerd. Moreno atska matangkad. "Hoy babaeng mukhang koreana! Bat kasi nangingielam ka saamin! Huh!?" Sambit ng lalaking mayabang. "Skee! Stop it" pigil sa kaniya ni sky. Skee? "because she is my friend. duh, and I'm also Korean " mataray na sabi niya. "Tinatanong ko ba?" Pambabara namang tanong ni skee. Kami naman nila sky,lucas, liam, tristan, william ay para Lang nanonood ng laban sa pagitan ng isang mayabang na lalaki at masunget na babae. "I don't care if you are asking me or not" mataray na sambit ni ziara. "Naiinis na ako sayo, hindi porket babae ka hindi na kita papatulan" pananakot na sambit ni skee. "Omg I'm scared" sarcastic na sabi ni ziara. "Ako talaga sinusubuka--" pasugod na dapat si skee kay ziara ng hawakan siya sa braso ni sky. "Stop it." kalmadong sambit ni sky habang nakahawak siya sa braso nito. "Kasi naman kuya!" So magkapatid sila? "I said stop it, babae pa rin siya" sky "Hindi ako papayag na bara-barahin lang ako ng babaeng to kuya" inis na sambit ni skee habang nagpupumiglas pa rin. "Tsk, stop that dre, let's go gutom na ako" sambit naman ng kaibigan niyang nakasalamin. "Ni-san mauuna na kami" translate: Japanese (ni-san) english (brother) tagalog (kuya). oni-chan (quite casual, common) Or ni-san (a bit more formal, common).  "Okay" sagot naman ni lucas. Ni-san? Ano yun? "Sandali lang Luke, hindi pa ako tapos sa babaeng to" lalapitan niya na sana si Ziara ng harangan ko siya bigla. "Ano sa tingen mo gagawin mo?" Tanong ko habang nakaharang dito "O sino ka naman? Bat ba sulpot kayo ng sulpot?" Inis na tanong niya. "Skee! Sumosobra kana, learn to respect." Maowtoridad na sambit ng kuya niya. "Aish fine! May araw ka rin sakin babae ka" sambit nito atska patabog na sumunod kila tristan, lucas and luke? "I am the one who apologizes for what my brother did Ms. Faith and Ms. Ziara" sambit ni sky atska siya ngumiti at tumalikod na. Napataas naman ang kilay ko kay liam tan na hanggang ngayon ay nandito pa rin sa harapan ko. "May tanong ako" sambit nito. "Tss, ano?" Me "Magaling ka na ba? Bat namumutla ka?" Tanong ni liam tan atsaka ako binigyan ng maliit na salamin. Ang putla ko nga, nagbabalat den ang labi ko atsaka ang pungay pungay ng mata ko. "Ayus ka lang ba az?" Naramdaman ko ang hawak ni william sa balikat ko. "Unnie" mababakasan mo den ang pag aalala sa boses ni Ziara. "Okay lang ako ano ba kayo, di pa naman ako mamamatay. Gutom lang to tara kain na tayo" sambit ko atska ngumite sa kanila. "eatwell unnie, I will return to my class. because our break is also over" sambit ni Ziara atska ako hinalikan sa pisnge at tumakbo na siya sa secondary building kasama ang isa niya pang kaibigan. "Tara na az" sambit ni william atska ako inalalayan. ------- Habang kumakain kami ni william ay tahimik lang kami, ewan ko naninibago ako sa kaniya. Dati kasi parang hindi siya nauubusan ng sasabihin, pero ngayon parang bilang nalang ata ang bawat salita niya. "William" tawag ko dito. "Hmm?" See ang cold niya na. "May nangyare ba?" Hindi ko na kaya ang ganito. "What do you mean?" May sakit den ata to eh. "Tsk, antahimik mo kasi." Sambit ko sabay irap dito. "HAHAHA, may iniisip lang ako az. Masyado mo naman akong namiss agad" sambit nito habang ngingiti ngiti pa. "Napaka confident mo no, duhz hindi kita namiss." Sabi ko at umirap ulit. "Kunware kapa eh, sige na sabihin mo na dalawa lang naman tayo dito oh" sambit niya habang nakaturo sa pwesto namin. "Baliw" bulong ko na alam kong narinig niya dahil napatawa pa siya ng mahina. And after that bumalik ulit kami sa pagiging tahimik. Tanging ang mga studyante lang na nagdadaldalan, nagdadaanan, nagtatawanan ang naririnig ko. *Bogsh* Napatili ako sa gulat ng biglang may dalawang kamay ang bumagsak sa mesa namin, pati si william ay nagulat den. "Anong problema mo nica?" Tanong ni william. Nica? Akala ko si leana nanaman. "That's our table" masunget na sambit niya. Wait hindi ito yung monicang nakilala ko. "Omg akala ko kung sino, hi azreel! Don't worry pwede na kayo dito" sambit niya atska tumabi saakin. "Hello hehe" ackward na sambit ko. "Okay ka lang ba?" Tanong niya mukhang nakita niya den na namumutla ako. "Oo, don't worry nagutom lang ako kaya ako namutla ng ganito." Pagpapalusot ko. "Uhm Miss Faith drink it, baka ma dehydrate ka." Nakangiteng sambit ng alagad ni monica habang may abot abot saakin ang boteng may tubig. Dahan dahan ko itong kinuha at napatingen pa ako kay monica, nahuli ko naman siyang masama ang tingen kay william, nang maramdaman niya ang presesiya ko ay bigla siyang ngumite saakin. Sa sobrang pagtataka ko ay napatingen den ako kay william, nakita ko siyang nakatingen sa boteng hawak ko, ansama sama ng tingen niya don. Iinumin ko na sana yun ng mapansin ko den si Lucas na nasa bandang likuran lang ni william nakatingen siya sa boteng hawak ko atsaka siya napatingen kay william atsaka monica, napatingin din siya sa mga alagad nito hanggang dumapo saakin ang tingen nito. Atsaka siya umiwas ng tingen at kinawayan sila sky ng parang walang nangyare. "Inumin mo na yan azreel, sigurado akong makakatulong yan para mabawasan ang pagkaputla mo" sambit ni Monica habang matamis na nakangite saakin. "S-sige" sambit ko atska ininum ang tubig. Habang iniinom ko ito ay parang iba ang lasa para bang may gamot na nailagay dito o ano, basta ang hirap niyang lunukin. "Ayan okay na, mauuna na rin kami ah, magrere-touch pa kami ng make up namin" sambit niya atska tumayo kasabay ng mga alagad niya. Pagka alis nila ay napatingen ako kay william, nakatingen den siya saakin ng may pagka alala sa mga mata. "O anong ka dramahan yan william? Pfft. Tara na" sambit ko atska siya hinila patayo at sabay kaming pumasok sa next subject namin. -------- Habang nasa kalagitnaan ng pagtuturo ang prof. Namin ay napahawak ako sa tiyan ko para kasing bigla tong kumirot. "Ayos ka lang Ms. Faith?" Napatingen ako kay Liam tan na nakalingon saakin. "H-huh? Ah o-oo ayos l-lang a-ako" sambit ko habang andiin diin ng hawak sa tiyan ko. "Hey az" narinig kong nagsalita si william ng may pag aalala sa boses. "Wait, dadalhin na kita sa clinic huh, magpapaalam lang ako kay prof. Lim" magtataas na sana siya ng kamay ng hawakan ko ang braso niya. "W-wag na k-kaya ko pa n-na m-man atsaka m-matatapos na r-rin n-naman ata si p-prof Lim" sambit ko habang mahigpit na nakahawak sa tiyan ko. Hindi kami napapansin ng prof namin dahil nasa pinaka likod kami. "A-ahh" mahinang daing ko na ikinalingon ni sky at liam, nasa harapan lang kasi namin silang apat. "What happen?" Takang tanong ni sky atska tumingin kay william. "I don't know too" inosenteng sambit ni william. "O-okay lang a-ako" sambit ko halos malag lag na ako dito sa kinauupuan ko dahil sa sobrang sakit ng tiyan ko. "Oh s**t" rinig kong bulong ni tristan na nakalingon na rin saakin. "Ms. Faith lalo kang namutla" sambit ni liam tan. Agad kong kinuha sa bulsa ko ang salamin na binigay ni liam tan atska tinignan ang mukha ko. Yung labi ko napaka puti na, na akala mo wala ng dugo ganun den ang buong mukha ko, hinawakan ko ito at napaka lamig nga ng mukha ko. "Ms. Faith kailangan mo na talaga magpadala sa clinic" bago ko pa mapigilan si liam tan ay nagtaas na ito ng kamay. "Yes Mr. Tan?" Tanong ng prof. "I-excuse ko lang po si Ms. Faith" sambit nito atska lumapit saakin si liam tan at hinawakan niya ako sa wrist at siko ko at inalalayan niya akong tumayo. 'omg namumutla na siya' 'Is she really that close to Liam?' 'anong nangyayare sa kaniya?' 'baka naman may malala na siyang sakit' Rinig kong bulong ng ilan sa mga classmates namin. "Yes. Please Mr. Tan Paki dala na siya sa clinic" nakakaisang hakbang palang kami ay bigla ng bumukas ng malakas ang pinto ng classroom. "Excuse Sir Lim but Mr. Tan dean need you because there is a sudden emergency in your house!" Humahagos na sabi ng secretary ng dean. "What!? I'm sorry Ms. Faith, ah tristan paki hatid naman si Ms. Faith oh" sambit ni liam tan na halatang nataranta na din, kahit naguguluhan ay tumayo pa rin si tristan atska ako hinawakan sa wrist at siko ko. "Lucas?" Napatayo na din si lucas atska sila sabay na umalis ng classroom. "A-ahh!" Napaupo ako sa sahig dahil hindi ko na talaga Kaya ang sakit ng tiyan ko. 'omg' 's**t anong nangyayare?' "Mr. Shawn please kailangan mo ng dalhin si Ms. Reyes sa clinic" sambit ng prof namin. "Tara na Ms. Faith" sabi ni tristan atska ako hinawakan sa wrist ko at tinulungan akong tumayo, kaso kada isang galaw ko ay siya ring sakit ng tiyan ko. "Okay i need to do this" sambit niya atska kinuha sa bag niya ang towel niya at pinulupot yun sa palda hanggang hita ko atska niya ako binuhat. 'omaygad!?' 'she don't know how lucky she has' 'ohh?' Agad niya akong binuhat at dun ko lang nalaman kung para san yung towel na nilagay niya pagitan sa palda at legs ko. Yun ay para hindi ako masilipan dahil ones na binuhat niya ako ng wala akong towel ay babagsak pababa ang palda ko at pwede ako masilipan, kaya niya nilagay ang towel para hindi yun mangyare. Maya maya lang ay nasa clinic na kami agad niya akong nilapag sa higaan doon at naupo siya sa upuan na nasa gilid nito. ------ "Wala naman siyang sakit, meron lang siyang nakain or nainom na nakapagpasakit ng tiyan niya maybe madumi ito o isang gamot na pwedeng makapagpasakit ng tiyan mo ng 24 hours." Sambit ni doc atsaka siya ngumiti saamin, ngiting nagsasabing walang dapat ikabahala. "Pupunta na ako sa office ko, tawagin niyo lang ako kapag may kailangan kayo." Sabi ni doc atska siya umalis, nakaramdam na ako ng antok at nakita ko naman si tristan na tumayo na at handa ng umalis. "Ms. Faith mauuna na ako tutal okay ka naman, sasabihin ko nalang kay william na okay ka na, sleep well Ms. Fai---" hindi niya na natuloy ang sasabihin niya ng biglang.... "W-wag ka munang u-umalis, s-samahan mo muna a-ako p-please" nanghihinang sambit ko atska ko siya hinawakan sa kamay, randam kong natigilan siya pati ako nagulat sa mga pinag gagawa ko pero nanghihina na ako at Hindi ko na talaga mapigilan ang sarili ko sa mga pinag gagawa ko. "O-okay haha, d-dito lang ako" sambit niya atska dahan dahang naupo ulit, tinanggal ko ang pagkakahawak ko dito atska dahan dahan kong pinikit ang mata ko, pero bago pa ako makatulog ay may narinig akong sinabi ni tristan habang tina tap niya ang ulo ko. "Hays masyado ka kasing inosente hindi mo tuloy nakikita ang mga katarantaduhang pinaggagawa sayo nila...." Hindi ko na narinig ang huli niyang sinabi dahil hindi na talaga kinaya ng mga mata ko ang antok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD