Azreel pov
"sabi ko naman sayo wag kana sumunod eh" bulong ni william habang nasa likod niya ako.
Kanina kase nung sinundan ko siya naabutan ko siyang pinalilibutan ng 5 lalaki kaya eto kami ngayon di namin alam gagawin namin.
"Malay ko ba" mahinang sambit ko din.
"Dre kayo na bahala sa dalawang yan, pinapatawag na kami ni boss" sabi nung isang malaking lalaki atska umalis sumunod naman sa kaniya yung iba nyang alagad, bali tatlo nalang tong andito sa harap namin.
"Any last word? Actually di pa naman namin kayo papatayin" nakangiseng sambit ng nasa gitna sa kanila.
"Az pagbilang ko ng tatlo takbo" mahinang mahinang sambit niya.
"One..." Unang sambit niya ay ang sabay sabay na pag ngise nung tatlo, mukhang alam nilang gagawin namin.
"Two...." Sa pangalawang pagbibilang ni william ay siya deng isang paghakbang ng tatlong nasa harap namin.
"Three!!" Pagka banggit ni william ay bigla niya akong hinatak at hawak hawak niya ako sa may pala pulsuhan ko at sabay kaming tumatakbo.
"Az pasok dun bilis!" Turo ni william sa taxi na nakaparada lang.
Agad akong pumasok dun at mabilis namang sinara ni william ang pinto nun.
"Ayos ka lang az?" Tanong niya habang nakasakay kami sa taxi, nakita ko pang kumakatok yung tatlong humabol saamin, pero nung umandar na yung taxi ay umalis na rin sila.
"Sa Xavier high po kuya" sambit ni william atska muling tumingin saakin.
"Sa susunod pag ganun wag ka ng susunod saakin huh, tignan mo muntik pa tayong maaksidente pareho, kulit mo kase eh HAHAHA" sambit niya atska tinap ang ulo ko.
"Kulit daw, eh kung hindi kita sinundan edi nabugbog ka dun" taas kilay kong sambit.
"Ako matatalo nila? Baka nakakalimutan mong si william to az?" Nakangising sambit niya saakin, napairap nalang ako dito dahil sa kayabangan niya.
"HAHAHA, anong oras na? Siguradong late na tayo" dugtong niya habang iiling iling. Agad akong tumingin sa relo ko at....
"Wah! 8:40 na william!!" Malakas na sigaw ko sa kaniya.
"Shet, tara dito na, thank you" sambit ni william atska inabot ang bayad sa driver at sabay kaming tumakbo, habang papasok kami sa school ay may biglang pumito saamin.
"Pfft! 40 minutes late!" Paglingon namin ay si miss Farah pala to, ang napaka sungit na prof dito sa buong campus
"Ohh at talagang kayo pang dalawang newbie ang late huh?" Taas kilay niyang sambit
"Sorry po miss Farah" sabay na sambit namin ni william atska kami sabay na nag bow
"So--- pfft!" Hindi niya natuloy ang sasabihin niya ng bigla siyang pumito, agad kaming napatingen ni william sa likuran namin dahil doon nakatingen si miss Farah.
"40 minutes late, come here!" Malakas na sigaw niya
'ohh, liam, sky, lucas and tristan?'
"Mr. Tan, Greyson, Hayashi and Shawn, why late?!" Taas kilay na tanong niya sa apat
"Sorry miss Farah" sabi ni tristan atska sila sabay sabay na nag bow
"Sorry sorry, detention slip!" Sambit nito atska kami iniwan
"Tsk" rinig kong sambit ni lucas bago naunang umalis, nakita ko pa ang matatalim na tingen nila liam kay william bago sila umalis, ano meron? Bat ganun sila makatingen saamin ni william eh wala naman kaming ginagawang masama sa kanila? Tsk mga abnormal talaga.