“HINDI mo man lang ako sinabihan na dito pala tayo pupunta at ipapakilala mo ako sa tunay mong Papa?” mahina ang boses na reklamo ni Shania kay Xander habang nasa sala sila at hinahainan ng meryenda ng mag-asawang may-ari ng bahay. “Gusto talaga kitang gulatin,” natatawa naman tugon sa kaniya ni Xander. Pinanlakihan na ni Shania ng mata ang asawa na ikinatawa naman nito. “Ang cute mo talaga,” sabi pa nito na lalo niya lang kinainis. “Tigilan mo ako, Xander!” naiinis na saway na niya rito. “Mukhang magkasundong-magkasundo kayong mag-asawa, ha? Kailan ba kayo nagkakilala bago ikinasal? Hindi mo siya naipakilala sa amin noong magkasintahan pa lang kayo, anak, iyong isa lang na si Maan ang naipakilala mo,” sabi ni Frank kay Xander nang makaupo sa sofa. Nadala na rin pala ni Xander si Ma

