TUMALSIK at napahiga si Kuya Alfred sa sahig dahil sinuntok ni Xander ang sariling kapatid para mapigilan ang sanang pananakit nit okay Shania. Wala nang ibang choice si Xander at hinding-hindi niya papayagan ang kung sino man ang manakit kay Shania kahit kapatid pa niya. Minsan na niyang nagawang balewalain noon ang pananakit ng kadugo niya kay Shania at naging dahilan iyon kaya nawala ang anak nilang mag-asawa na pinagsisihan niya ng sobra. Hindi alam ni Xander na nandito pa sa penthouse si Shania kaya nang dalawin siya ng nakakatandang kapatid ay niyaya niya itong pumunta rito kaya ngayon ang nagkita pa tuloy sina Shania at Kuya Alfred. Galit na tumingin sa kaniya si Kuya Alfred at tumayo ito na nanlilisik ang mga mata. “Ang babae pa rin bang iyan ang pipiliin mo, Xander, kahit pa a

