NAGISING si Shania na nag-iisa sa kama at nang pagmasdan niya ang paligid ay wala roon si Xander. Nakadama ng kalungkutan si Shania dahil ang lahat pala nang nangyari kagabi ay panaginip lang, na dumating si Xander, sinundan siya nito rito sa US dahil kagaya niya ay nangungulila na siya rito at gustong-gusto niya itong makasama. “Bakit ba hindi mo pa ako sundan dito, Xander, kaya mo ba talaga akong tikisin pa kahit alam na alam mong mahal na mahal kita,” malungkot na sabi niya sa sarili at hindi napigilan ang pagtulo ng mga luha sa mga mata. Pinunasan na lang ni Shania kaagad ang luha ng may kumatok sa kwarto niya at tumayo na siya sa higaan saka binuksan iyon. Si Lee ang taong nasa likod ng pinto at naka-short at t-shirt lang ito. “Breakfast is ready,” sabi ni Lee sa kaniya. “Si Ang

