HINDI inaasahan ni Shania na sa sasakay pa pala sila ni Xander ng helicopter bago makarating sa isang kilalang tourist spot sa Pilipinas na pinagdalhan sa kaniya ni Xander. Sa Palawan at sa pag-aari mismong hotel siya dinala ni Xander at sa penthouse nito sila dumiretso sa pinataas ng floor ng hotel nang makarating sila doon. Napahanga si Shania sa laki at ganda ng penthouse ni Xander. Salamin ang pader na nakaharap sa malawak na dagat at nag-aagaw ang dilim at liwanag ng kalangitan. May sofa na kulay puti sa sala na nakadikit sa salaming pader, sa harap ng sofa ay lamesang narra na pahabang maliit at sa harap ng sofa at mesa ay isang flat TV screen. Puno ng karangyaan ang penthouse na pag-aari ni Xander at itong sala pa lang ang nakikita niya pero talagang napahanga na siya. “Did yo

