“NAKAUSAP mo na ba si Angelu?” tanong ni Xander kay Shania habang kumakakin sila ng agahan. Tatlong-araw nang nakakalipas ng irekomenda ni Shania ang kaibigan nitong si Angelu na maging endorser ng kompanya nila. Wala naman reklamo si Xander dahil tiwala naman siya sa asawa at mabuting hindi kilalang artista o model ang gawing endorser nila para mas maging mas patok sa mga tao at mas babagay sa proyektong ginagawa ng kompanya. Isang simpleng mamamayan na may average na buhay sa bansa nila ang gusto nilang pumasok sa insurance kaya simpleng tao rin at pangpamilya ang advertisement na dapat nilang gamitin na endorser ng kompanya. “Pumayag si Angelu kasi sabi niya ay nangangailangan din talaga siya ng trabaho kasi umalis na siya sa dating pinagtatrabahuan niya pero

