HINDI umuwi si Xander simula nang umalis ito para puntahan ang ina. Nakatanggap naman si Shania ng text sa asawa, na hindi nga ito makakauwi dahil may problema ang ina nito at nasa isang hotel sila dahil doon muna naglalagi ang Mama ni Xander. Sinabi pa nga ni Xander kung saang hotel iyon upang hindi siya magduda at sinabihan din siya nito na kinabukasan na makakauwi dahil ihahatid din ng asawa niya ang ina pauwi sa bahay. Kinabukasan nang alas-diyes ng umaga ay nakauwi na nga si Xander at nagkataon nasa banyo siya at nakalublob sa bathtub. Naramdaman na lang ni Shania na may nagbukas ng pinto ng banyo at nang magmulat siya ng mga mata dahil nakabukas naman ang pinto ng bath tub na kinaroroonan niya ay nakita niya kaagad ang asawa na pumasok. “Dumating ka na pala?” Napatingin siya sa mat

