NICOLE POV Wala akong tigil sa kakatakbo kahit na pagod na pagod na ako ayaw kong huminto,pakiramdam ko pag hihinto ako sa pagtakbo ay hihinto na rin sa pagtibok ang puso ko. Ang sakit sakit ng mga narinig ko mula kay Anica. Pagkatapos ng lahat ng sinabi ni Anica ay tumakbo na ako palayo sa kubo. Natatakot ako sa maaring isagot ni Paolo. Natatakot akong marinig ang anumang lalabas sa bibig nito baka hindi ko kayanin. Patuloy ako sa pag iyak,kahit masakit na ang mga paa ko sa kakatakbo,kahit napakalamig ng hangin . Hindi ko yun iniinda pakiramdam ko namanhid ang lahat ng pandama ko. Totoo ba lahat ng rebelasyon ni Anica?. Pero hindi sila ganoon kaseryoso para hindi ito totoo. Hindi ko kayang mawala ng tuluyan si Paolo sa akin. Hindi ko kakayanin,nagtiwala ako ng buong puso sa kan

