Chapter 2: Savior

508 Words
Kahit masakit ang buong katawan ay nagawa pa rin ni Madison tumayo para makaalis nang VIP ROOM. pero bago siya tuluyan lumabas ng silid ay nilingon niya saglit ang natutulog na binata. Sa huli ay bumalik siya sa tabi nito at nag iwan nang liham. "Goodbye, Mr. Stranger," idinikit niya iyon sa ulunan ng kama saka siya tuluyan na itong iwan matapos niyang Nagmadali isuot ang mga pinaghubarang damit at kaagad na lumabas ng silid. Hirap akong maglakad dahil sa pananakit ng gitnang bahagi ko pero tiniis ko 'yon para makarating agad ako ng hospital. Hindi na ako nagpakita kay madam V. Ilang minuto lang naman ay nakarating ako ng hospital. Nasa pinto pa lang ako ng pinto at akmang papasok ng bigla naman itong bumukas. Lumabas si.tatay. bahagya pa siyang nagulat sa akin. "Anak,.and'yan kana pala. mabuti naman at bantayan mo muna ang mama mo. uuwi lang ako.saglit," "Opo," palabas na siya ng pinto ng may maalala ako. kaagad ko siyang pinigilan sa braso. "tay," nilingon niya naman ako. "May ipapabili ka ba sa labas?" umiling ako. binigay ko sa kanya ang cheque na naglalaman ng limang-milyon. nakita ko ang gulat sa mukha ni tatay! napakagat labi naman ako dahil sa kaba sa maaring maging reaksyon ni tatay sa bagay na 'to! "Ano 'to?" mahina niyang tanong pero may diin. kinabahan ako. "Saan galing ang pera na 'to, Maddison!" Naigtad ako ng lumakas ang kanyang boses. alam ko nagtitimpi lang siya na hindi gumawa ng ingay. pero alam kong anumang oras ay sassbog siya sa galit. "T-Tay, h-hindi na po mahalaga kung saan 'yan galing. Importante naman ay magamot si mama. 'di ba?" Paliwanag ko. pero mukhand mas lalo lang yata nagalit si tatay. hinarap niya ako at tumalim bigla ang kanyang mata habang nakatingin sa akin. "T-Tay--" halos magdilim ang paningin ko ng malakas akong sinampal ni tatay! bumaling ang mukha ko sa kaliwang banda dahil sa lakas ng palad niya. Bigla na lang nag init ang mukha ko at hindi ko na napigilan mapaiyak. "Pinayagan kita diyan sa trabahong pinasok mo dahil ang sabi mo magtiwala ako sa 'yo! Kahit labag ss kalooban ko na ikaw ang naghahanap ng pera para sa mama mo ay hinayaan kita, pero hindi ko akalain na ibebenta mo ang sarili mo para lang sa malaking halagang 'to!" hinagis niya sa akin ang cheque. tuluyanna akong napahagulgol. "Hinding hindi ko matatanggap ang perang 'yan! Kung gusto mo ay kunin mo at umalis kana rito sa harap ko at lumayas kana! wag n wag ka ng magpapakita pa sa akin at baka makalimutan ko na anak kita!" kaagad na siyang lumabas ng silid ni mama. Napaupo naman ako sa gilid ng kama ni mama habang umiiyak. Bakit ganito kahirap? gusto ko lang naman makasama pa namin ang mama ko, kung may pagpipilian naman ako ay hindi ko 'to gagawin! Pero may regret ba ako sa nangyari, wala! Kasi hindi ko naman binigay sa kung sino lang na lalaki ang sarili kundi do'n sa taong naging daan para mailigtas ang nanay ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD