Lise’s Point of View Shocks! Anong isusuot ko? Dress or Jeans? Black or Floral? Skinny or Slacks? Ano ba? Kailan ba naging mahirap mag-ayos? Kailangan ko na ng tulong. Seven pm ang usapan namin, 3 pm na. s**t. May date ako kay Cloud. Kailangan ko ang tulong ni Fairygod Mother Kaye. She answered her phone after 5 rings. “Girl ang tagal mong sagutin ha,” walang kagatol-gatol na sabi ko after niyang sagutin ang phone. “Linggo ngayon. Pahinga. Bakit? Anong atin?” tanong nito. Nahiya naman akong sabihin. “Kasi ano…” “Ano nga? Aba, Lise, gusto ko ulit matulog kaya bilisan mo magsalita.” “Sungit mo naman. Mayro’n ka ba?” “Oo. So ano na Lise?” “Kailangan ko ng tulong.” “Anong klaseng tulong?” tanong ni Kaye. “Ano bang dapat isuot ko sa date?” I asked shyly. Nakikipag-date naman ako dat

