Renz Point of View Si Lise saka si Cloud? Hindi sila bagay. Babaero si Cloud, lagi pang wala dahil sa schedule ng flights nito. Papaiyakin niya lang si Lise. Papansin pa naman iyon. Clingy tapos feeling niya ang tangkad niya! Madre, ano naman sa akin kung maging sila. Hindi na nga ako nakatulog ng maayos, nagkaproblema sa sa vineyard. Lunes na Lunes, ang ganda ng simula. “Boss,” tawag ng isang tauhan ko. “Ano?!” bulyaw ko. Napatalon pati ang mga nag-aayos sa magiging office namin dito sa Vineyard. “Telepono po. Cloud daw po,” nanginginig na sagot ng tauhan ko. Tumango ako at dali-daling inilapag nito sa table ko ang wireless telephone. Great. Of all people si Cloud pa talaga ang tumawag. “Hello.” “Pre. Busy ka ba? Hindi mo kasi sinasagot cellphone mo eh,” Maayos naman ang pagkakasa

