Renz’s Point of View I'm glad that my parents saw the potential of my business. Kulang ang salitang saya para idescribe ang nararamdaman ko. “So hindi ka na namin makikita dito?” tanong ni Mark. Nakatambay kami sa club niya sa loob ng Country Club. “Baka madalang na,” sagot ko naman. “Ayos. May pag-asa na si Audi sa race next week,” sagot ni Tristan. Isa siyang doctor. Ob-gyne. Yup, you heard me right. Kapatid niya si Trisha. “Kakera na lang ng kotse oh, ano? Anytime na magbago ang mga bahag niyong buntot,” sagot ni Audi na isang race car driver. “Gago, bakit kami papayag, e profession mo iyon,” sagot ni Nick. Isa siyang CPA, pero ngayon Stocks Exchange ang playground niya. “Sa Batangas lang ako lilipat pansamantala. Asa pa kayong mananalo kayo sa Horse Racing. Saka member pa ein

