HIS RUTHLESS WAYS EPISODE 52 I WILL WAIT FOR YOU, BABY SIERRA CELETE’S POINT OF VIEW. TAHIMIK LANG si Aiden simula ng napakinggan niya ang mga kanta ko. Tapos na niyang napakinggan ang tatlo kong kanta may mga title na Kaya Pala, I wish you were mine, at I miss you, I’m sorry. Tatlong kanta ang pinarinig ko kay Aiden at ngayon ay hinihintay ko na kung ano ang masasabi niya. “So what now, Mr. Coleman? What can you say about my songs?” tanong ko kay Aiden habang nakangiti ako. Seryoso ang kanyang ekspresyon sa mukha ngayon habang nakatingin siya sa monitor. Nakakaramdam ako ng konting kaba sa sasabihin ni Aiden at sa mga kanta na pinarinig ko sa kanya ngayon. Kung may sasabihin man siya na against sa mga kanta ko, sigurado ako na makakaramdam ako ng sakit dahil isinulat ko ang mga k

