chapter 9

2398 Words
habang naghihintay kame kay nathan ay hindi mapoknat ang ngiti ni dom sa labi pagkakita sa crush nitong player ng basketball taga kabilang section lang si lexter pero minsan lang namin makita ang binata dahil busy siguro sa pag papractice kasama ang mga barkada. nandito kame ngayon sa cafeteria para mag lunch.si nathan na ang pumila sa counter dahil pinag isa na lang namin ang kakainin for lunch kaya pare pareho kame ng inorder."mga sis kurutin niyo nga ako nakita ko kasing kinindatan ako ni honey my love ko" napailing ako."suntok gusto mo para magising ka talaga ng tuluyan."pero hindi ito tinablan ng bara ni grace."arayyyyyyy"napatiling sigaw nito. agad itong lumingon sa paligid at kitang kita niya ang panlalaki ng mata ni dom dahil naagaw ang atensyon ng ibang studyanteng kumakain. sa biglang pagtili nito.napatakip ako ng bibig ng hindi ko mapigilan ang humagalpak."nagbibiro-an lang po kame."paliwanag pa nito gamit ang baritonong tinig."humanda ka sakin grasya. well figure out later panira ka talaga ng moment."mahinang sabi nito kay grace na ayaw iparinig sa iba."sabi mo kurutin ka eh,bakit ka nagrereklamo.?"natatawang biro nito kay dom. pero para itong wala na naman sa sarili dahil nakatulala habang tutulo pa yata ang laway kakatangin sa crush nitong si lexter. pareho nanlaki ang mata namin ni dom ng biglang tumayo si grace at lapitan nito ang lalaki sabay abot sa maliit na papel. nakangiting inabot naman yon ng lexter nang makabalik si grace ay kumindat pa Ito kay dom."bruha ka ang sakit mo sa bangs may balak ka pang agawin ang honey myloves ko"kunway maiiyak pa si dom.nabaling ito sa cellphone nito ng tumunog iyon.bigla itong nagtititili sa kilig habang may kausap sa kabilang linya. tumingin kame sa direksyon ng tinitignan nito. napamaang naman ako ng kumindat si lexter kay dom.na gets niya na ngayon yong maliit na papel na inabot ni grace kay lester ay numero pala ni dom ang nakalagay doon.ngayon ay parang nag titwinkle na ang mata ng kanilang kaibigan.na parang naabot na nito ang ika pitong langit o di kaya ay lumagpas pa sa langit nakarating na siguro sa kalawakan ang kilig nito habang malapad ang pagkakangiti na parang mapupunit na."ganito pala kapag totoong kinikilig si dom..para tuloy akong kikilabutan." maya maya nga lang ay dumating na ang kanilang pagkain habang bitbit ni nathan.agad akong tumaya para tulungan ito. masaya kaming lahat habang kumakain nakiupo rin sa table namin si lexter.na mas lalong naging masaya ng madagdagan kame. "ay naku friend panalo ka talaga akalain mo yun. akala ko talaga aagawin mo sakin ang honey my loves ko."ito talagang mga kaibigan ko daig pa ang mga bata kung umasta."hindi ko siya type noh.!ang gusto ko yong matured."lumingon ako sa kanya at mataman din itong nakatingin sakin. halos isang buwan na pala mula ng bumalik si kuya gavin sa america.inabala niya ang sarili para lang hindi na ito maisip. araw-araw siyang pumupunta sa the house of angel's para bisitahin ang mag kapatid. at nakikipag laro din siya sa mga bata doon. tuwang tuwa nga pati ang mga staff sa kanya. kaya pag uwi niya ay nakaka tulog siya agad dahil sa pagod. "guy's may gagawin ba kayo bukas.?"naisip niya'ng itanong sa mga ito dahil sabado tomorrow at walang school baka pwede niyang isama sila sa bahay ampunan. umiling naman silang lahat."pwede niyo ba akong samahan bukas may pupuntahan tayo."agad sumang ayon grace at dom at mas lalo akong na excite ng pumayag din si lexter at nathan. dahil wala naman daw silang lakad pareho. kinabukasan nga ay isa isang dumating ang kanyang mga kaibigan. naunang dumating si grace at halos magkakasabay naman ang iba pa. dito sa park namin napagakasundoan na mag kita-kita.dahil hindi naman ito masyadong malayo sa mga tirahan namin. "halika na kayo"yaya niya sa mga ito pero agad ding nagtaka ng malapit na sila sa pakay niya."sissy bakit tayo nandito mag aampon kaba.?"natawa lang siya sa sinabi ni dom at hindi na sumagot. tahimik na lang silang sumunod sakin hanggang sa huminto ako SA pinto at kumatok magaan na ngiti ang bungad sakin ni mother lily at lumipat ang tingin nito sa mga kasama ko."mga kaibigan ko po sila mother lily."agad namang nagpakilala isa-isa ang mga kaibigan at malugod kaming pinapasok. mabait si mother lily at kita naman din sa awra nito parang hindi nga marunong magalit dahil laging may nakahandang ngiti lalo na sa mga bata at natutuwa siya dahil nagkaroon ng ikalawang magulang ang mag kapatid dahil tinuring na daw nitong parang mga anak si james at joylyn mababait at masunurin daw ang dalawa kaya napamahal daw dito sa maikling panahon lang. "ate ericka"humahangos namang tumakbo palapit sa kanya si joylyn nakasunod naman dito ang kuya nito.napangiti agad siya ng makita niya ang dalawa na masayang masaya tumataba na rin ang mga ito at malinis na talaga tignan dahil sa tamang pag aalaga dito sa bahay ampunan. lumuhod ako para yakapin ng mahigpit si joylyn."kamusta naman ang baby ko dito? baka kinukulit mo na naman ang kuya mo.?"tanong niya at kinurot ang pisngi nitong napaka cute habang tumatagal ay lumalabas ang tunay na kulay ng mag kapatid si James ay unang kita pa lang niya dito alam na niyang hindi pinoy ang ama ng mga ito.dahil kulay pa lang ng balat at mata nila ay malalaman mo na talaga agad hindi ko pa tinanong si james about sa real father nila.gusto ko mag fucos muna sila sa pag aaral nila dito. ako ang nagpapa aral sa mga ito. at kumuha din ako mag tutor nila.kinukuha ko lahat ng gastos sa binibigay ni tito bernard na allowance ko."ate sino po sila?"nakatingin sila sa mga kasama ko. "ay baby gurl ako nga pala si kuya dom."agad nag pakilala si dominic at sumunod si grace si nathan at lexter ay nag pakilala rin.hinarap niya ang mga kaibigan. "marahil ay nagtataka kayo kung bakit tayo nandito." panimula niya. at ikinuwento niya ang nangyari kung bakit nasa bahay ampunan si James at joylyn. Hindi niya nakitaan ng disgusting ang mga ito kahit si nathan at lexter bagkus ay naka unawa at pagkahabag para sa mag kapatid ang nakikita niya sa mga kaibigan. nagpupunas pa ng luha si dom ng tignan niya ito."ang sama naman ng nanay nila."hindi napigilang himutok ni dom "tama na sis hindi Ito ang oras para ipakita mo sa mga bata na iyakin ka" bulong ni grace dito "dapat natin silang pasayahin." nang lingonin ni Ericka si nathan at lexter ay magiliw ang mga itong nakikipag kwentohan kay james kasama ng iba pang mga bata. kinarga ko si joylyn agad naman kumapit sa leeg ko ang braso nito."hmmm bumibigat na talaga ang baby ko ah."inamoy at kinikiti ko ito habang humahagikhik."ate tama na po"namumula na ang mukha nito sa kakatawa. nakangiti namang nagmamasid samin si grace at dom. "halika nga dito baby at si kuya dom naman ang kakarga sayo."agad sumama si joylyn dito. "wala bang kiss ang ate grace sa batang cute diyan." Sabi ni grace iniumang pa ni grace ang nguso. napahagikhik ang bata at agad binigyan ng marameng halik ang kaibigan niya. "yehey may mga ate na ako at mga kuya." tuwang tuwa na sigaw ni joy. lumapit kame sa karamihan habang karga pa rin ni dom ang bata parang ayaw na nga nito ilipag kahit mabigat na talaga si joy. "mga bata gusto niyo bang makita na sumayaw ang ate ericka niyo?Hindi niyo naitatanong pero napakatalented ng ate niyo." agad sumigaw ng oo ang mga ito habang si joylyn ay nanlalaki ang mata na hindi makapaniwala."talaga po ate magaling ka po sumayaw"natawa talaga siya sa reaction nito na halatang nagulat ang cute-cute talaga. "pati si kuya dom at ate ericka ay magagaling ding samayaw."tumatangong saad ko dito.nalipat ang nanlalaki nitong mata sa dalawa. "naku ang baby namin gulat na gulat talaga."natatawang saad ni grace habang pinupog ni dom ng halik ang buong muka ni joy sa pagkagiliw dito. humingi muna ako ng permiso kay mother lily at tuwang tuwa naman itong nag paunlak sa kanila.sumayaw kameng tatlo nila dom at grace tuwang tuwa ang lahat ang mga bata. kumanta rin kameng tatlo Hindi matawaran ang sayang nakapagkit sa mukha ng mga bata.ito talaga ang gusto niyang gawin ang mapasaya ang mga ito kasama ng mga kaibigan niya. para kahit sandali man lang ay makalimutan nila na wala silang mga magulang na gumagabay sa kanila at gusto kong iparating sa kanila na nandito lang ako kasama ng mga kaibigan ko na handang umalalay sa abot ng aming makakaya. "napasaya ba namin kayong lahat.?"sigaw ni grace "opo" sabay-sabay na sigaw rin ng mga bata at pumalakpak pa ng malakas tuwang tuwa ang magkapatid ng sulyapan ko sila.at maya-maya lang ay may dumating na maraming pagkain. nag mukhang fiesta tuloy ang bahay ampunan. "kame na sumagot sa pagkain ni nathan para may ambag naman kame."Sabi ni lexter. "ang gagaling niyo talaga hindi ko rin napigilan ang humiyaw kanina. "nakangiting saad naman ni nathan."tama at sana simula ngayon ay ituring niyo na rin kameng tunay na kaibigan ni nathan. araw-araw natin pasayahin ang mga bata sagot ko na ang pagkain para mabawasan naman ang pera ni daddy."nagtawanan kaming lahat sa turan ni lexter inakbayan pa nito si nathan na akala mo matagal ng magkaibigan araw-araw namin nakikita si lexter sa school pero hindi kame malapit dito akala kasi namin suplado ito galing ito sa mayamang pamilya akala namin ay mapili rin ito sa kaibigan dahil halos ng barkada nito sa school ay talagang namang may sinasabi sa buhay."hindi niyo alam pero fan na fan niyo akong tatlo gusto ko sana kayong lapitan sa school para makipagkaibigan sa inyo pero nahihiya ako buti pa itong si nathan kahit papano ay nalalapitan kayo" hindi naman kame makapaniwala sa sinabi ni lexter. ang isang tulad niya pala ay gusto rin kameng maging kaibigan. nilapitan ko si lexter at nathan at magaan ko silang niyakap.ganun din ang ginawa ni dom at grace nagulat kame dahil lumapit din si joylyn at niyakap ang dalawang lalaki.niyakap na rin ng mga Ito si james."sure kaba talaga honey my loves na kaibigan lang ang gusto mo?"parang nanghihinayang pa na turan ni dom. "I'm sure"natawa kameng lahat sa itsura ng mukha ni dom. maya-maya ay inasikaso na namin ang lahat ng bata para pakainin ang mga ito.sila mother lily at ang iba pa. ay kame na rin ang nag asikaso sa paghanda ng pagakain nila. para maramdaman din nila ang lubos naming pasasalamat dahil sa pag aalaga nila sa mga bata. "maraming maraming salamat sa inyo mga anak at talagang tuwang tuwa ang mga bata dahil sa inyo" gabi na kaya dito na rin kame kumain ng hapunan tumawag na rin ako kay tita para hindi ito mag alala. "naku wala po iyon mother para po sa kanila ay tuwing sabado or pag may free time po kameng lahat ay sabay-sabay kameng dadalaw dito ng mga kaibigan ko" saad ni lexter ngumiti kame dito tuwang tuwa ako dahil nadagdag ang mga kaibigan ko. pinatulog ko muna ang mag kapatid at hinalikan ko sila sa pisngi ng makatulog na. bago umuwi ay nag abot ng sobre si grace at dom kay mother at cheque naman ang kay nathan at lexter. hinatid kame ni mother sa sasakyan at nagpaalam na dito. nag presinta si lexter na ihatid kame ni grace dahil may sasakyan naman si dom kaya nauna na ito. una naming hinatid si grace at sunod naman ay ako masaya akong nagpaalam sa mga ito. nang makita ako ni kuyang guard ay agad akong pinapasok nito. "magandang gabi po ma'am"ngumiti ako kay kuya guard. at binati rin ito pabalik. 8:30 pa lang ng gabi kaya alam kong hindi pa tulog ang mga tao sa loob dahil bukas pa rin ang mga ilaw. may nakita siyang bagong sasakyan na nakaparada pa sa harap ng mansyon. hindi na lang niya pinansin dahil baka may bisita ang mag asawa. "iha your here come and join us your kuya gavin is back."masayang salubong sa kanya ni tita jane pero agad ding binundol ng matinding kaba ang dibdib sa sinabi nitong bumalik na si kuya. hindi niya tuloy mawari kung lalapitan pa ba ang mga ito. ramdam niya kasing may dalawang pares ng mata ang nakatitig sa kanya. sa huli ay lumapit rin siya dahil ayaw niyang paghintayin ng matagal ang naka abang na bisig Ng tita jane niya. nag mano muna siya dito at saka yumakap ng mahigpit ganon din ang ginawa niya kay tito bernard. nang balingan na niya si gavin ay agad na nag tama ang kanilang mga mata. bumuhos ang samo't saring emosyon na hindi niya kayang pangalanan dahil natatakot siya sa posibilidad na mangyari. pero isa lang ang nasisiguro niya. na miss niya ito ng husto. pinilit niyang mawala Ito sa systema niya sa nakalipas na isang buwan. at nagtagumpay naman siya don. pero ng makita at makaharap niya ulit ito ay parang bula na biglang naglaho ang lahat ng effort na ginawa niya para lang kalimutan ito. alam niyang malabo dahil dito ako nakatira sa mansyon nila. pero alam ng diyos na ginawa niya ang lahat para lang hindi na ito sumagi sa isip niya. at sa mga oras na ito ay wala siyang ibang gustong gawin kundi ang yakapin Ito at iparating dito kung gaano niya Ito na miss. pero imposibleng mangyari ang nasa isip niya. pinakatitigan niya ito nanginginig ang katawan niya dahil sa pag control na hindi ito malapitan pilit niya ring itinago ang emosyong gustong umalpas sa kanyang mata naiiyak siya dahil gusto niya talaga itong yakapin."i miss you so much kuya," sa isip lang niya iyon kayang sabihin. pumikit pikit muna siya bago ito nginitian ng matamis."h-hi k-kuya welcome back po." nabati naman niya ito ng maayos kahit pa nauutal siya. wala siyang natanggap na pagbati mula dito nakatulala lang ito sa kanya. "tita pasensya na po pero hindi po ako makaka join sa inyo ngayon.gusto ko na po magpahinga."talagang napagod siya buong araw pero worth it naman dahil napasaya nila ang mga bata sa bahay ampunan. "kumain ka na ba iha.?"tumango ako sa tanong ni tito. hinalikan ko muna sila sa sentido. hinimas himas naman ni tita ang buhok ko pababa. "magpahinga kana ipapatimpla kita ng gatas kay lanie."ngumiti ako dito. at tsaka lumakad palayo hindi ko na tinangka pang lumingon ulit kay kuya dahil ramdam ko pa rin hanggang ngayon ang mga mata nitong nakasunod sakin habang papalayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD