chapter 20

1361 Words
hindi siya nakapag concentrate sa klase buong araw umuwi siyang walang pumasok na lesson sa utak niya. buti na lang ay nandiyan ang mga kaibigan niya. at inaalalayan siya pag may hindi siya maintindihan nag lock siya ng pinto pinatay niya ang ilaw bago nahiga at nagtalukbong ng ulo. kanina bago umuwi ay sinabihan niya si grace na hindi muna siya papasok. sinabi naman ng kanyang kaibigan na huwag daw siya mag alala sa mga lesson dahil mag sesend daw Ito kung ano ang mga idi-discuss para hindi ma blind at mapag aralan na din niya pag okay na ang pakiramdam niya. ilang oras na rin siguro Siya nakatulog naalimpungatan lang siya nang may humimas sa kanyang pisngi. hindi niya maaninag kung sino gusto niyang ibuka ng husto ang mga mata pero hinihila siya sa mas malalim na kadiliman. naramdaman pa niya na may humalik sa kanya sa sentido kinabukasan nagising siya na palaisipan pa rin sa kanya kung totoo o nanaginip lang ang bultong naaninag niya sa kanyang silid. itatanong na lang niya kay ate lorien mamaya kung pinontahan ba siya nito sa kanyang kwarto kagabi. tinantiya niya ang sarili kung okay naba ang kanyang pakiramdam medyo maayos na siya ngayon kesa kahapon. tinignan niya sa kanyang alarm 11:30am na pala ng tanghali napahaba pala talaga ang kanyang pahinga bumangon siya para pumonta ng banyo nag linis siya ng katawan at ginawa ang pang umagang routine pagkatapos ay bumalik siya ng higaan niyakap ang isang unan inamoy-amoy niya iyon. "nagpalit ba si ate minda ng brand ng fabric conditioner?. hindi kasi ganito ang dating amoy. parang amoy lalake? ahay ewan" baka nga nagpalit sila. wala pa siyang balak bumaba kaya binuksan niya ang kanyang cellphone may mga mensahe na galing sa mga kaibigan niya nagtatanong kung kamusta na ang pakiramdam niya. kaya para hindi na sila mag alala ay kinunan niya ng litrato ang sarili at isinend niya sa kanilang group chat. natawa pa siya dahil agad nag react ang mga Ito. me: "yung totoo nasan kayo?" nagtataka kasi siya at sabay pa silang online lahat dahil meron pang 30minutes bago ang break. "sis pwedi ba bumaba ka" si grace na ikinalaki ng mata ko dali-dali akong bumangon nag suot muna ako ng bra komportable naman ang suot kong pambahay plain tshirt at short ganito kasi talaga ang mga suot niya pag hindi siya umaalis kaya hindi na siya nagpalit pa. nakasalubong pa niya si gavin sa pasilyo pero nagtuloy tuloy lang siya pababa at hindi Ito pinansin. nasa b****a pa lang siya ng hagdan ay naririnig na niya ang maiingay niyang mga kaibigan. nakita niya ang mga Ito sa kusina na nakikipag kulitan pa kina ate lorien. "anong meron?" napatingin ang lahat sa kanya umubo pa si nathan at umiwas ng tingin sa kanya. "yung totoo nag cutting kayo lahat?" nang uusig niya sa mga Ito. "a-ano kasi hindi kame sanay ng wala ka sa school" si grace lang ang nag salita dahil pawang nag kanya-kanya na sila ang iba. napakamot pa sa ulo si lexter. alam kasi ng mga Ito na ayaw niyang mangyari iyon lalo pa't siya ang dahilan. "uhm sissy sorry na hindi kasi kame sanay ng hindi ka kasama sa school eh." isa-isa niyang tinignan ang mga Ito na hindi naman makatingin sa kanya ano pa nga bang magagawa niya. bumuntong hininga na lang siya. "paano na tayo niyan? baka bukas may biglang ipagawang exam ang mga teacher's sa inyo pa naman ako umasa.." tumingin siya kay grace at napakagat labi lang ito. "no worries sagot ko kayong lahat baka nakakalimutan niyong may crush sakin lahat ng class mate niyong babae." sabay kindat ni lexter sa amin. "yon oh gumamit na nang pangmalakasang teknik." si dom lumapit pa Ito sa kanya "huwag kana ma guilty hindi naman tayo mangongopya ng sagot nila hihingi lang tayo kung ano diniscuss ngayo'ng araw sa school. pag aaralan at tayo pa rin naman ang sasagot sa lahat diba." wala na siyang nagawa. hindi siya mananalo sa mga Ito "pagaling kana para sabay-sabay tayong mapatayo sa labas ng school" natawa ako sa birong iyon ni nathan. "wala naman akong sakit no basta alam mo na yon." napakamot na lang ito. "tara kain na tayo" yaya ni dom nakarinig kame ng tikhim sabay kameng napalingon sa pinanggalingan non. si kuya na kakapasok pa lang. huminto Ito at isa-isang tinignan ang mga kasama ko. hindi ako nakahuma bakit kasi ang gwapo nito sa paningin niya nakalimutan niya agad kung anong ginawa nito noong nakaraang araw dahil sa titig lang nito ngayon. "kuya ako po si grace best friend po ako nitong si ericka nagkita na po tayo before kasama si dom remember yong amateur dance contest. siya po si nathan at lexter mga kaibigan po namin sila." si grace ang nagsalita ng makabawi Ito. nakahinga naman siya ng maluwag unang lumapit si lexter nagpakilala at nakipag kamay Ito kay kuya pormal naman nitong tinanggap ang kamay ng kanyang kaibigan ganon din ang ginawa nito kay nathan at dom ng lumapit ang mga ito kay kuya mabuti na lang at hindi na ito nag usisa kung bakit nandito ang mga kaibigan ko at hindi pumasok ng school may pagka strikto pa naman ang awra ng isang Ito at hindi marunong ngumiti. siniko pa ako ni grace ng mahuli nitong nakatitig lang ako sa lalaki. "handa na ang pagkain" si ate lorien nagpatiuna na si kuya sa lamesa ipinaghila pa ako nito ng upoan napatingin ako kay grace ng parang nasamid Ito at inubo napaiwas agad ako dahil mukhang alam ko na kung bakit. tahimik ang lahat habang kumakain pinilit niyang kumain kahit konti hindi pa sana siya bababa dito sa kusina kung hindi dahil sa mga ito naninibago siya sa katahimikan ng paligid lalo pa't mga kaibigan niya ang kasama knowing na maiingay talaga at nag aasaran pa. nang matapos kumain ay sila rin ang naghugas at nag linis nang kusina si kuya gavin namin ay nagpaalam na may pupuntahan. nandito kame sa sala ngayon at nag vi-videoke buti na lang at umalis si kuya dahil hindi ko alam pero baka ayaw nito sa maiingay at masita pa kameng pare pareho. sinundan ko si grace ng tumayo ito tinungo nito ang banyo alam nito kung saan iyon dahil ilang beses na rin itong nagpabalik balik rito. itatanong ko sana kung kilala ba nito si edward dela vega. hihintayin ko na lang Ito dito sa labas. napatayo ako ng tuwid ng marinig ko itong nagsusuka. nag alala ako dito dahil narinig kong napahikbi na ito. kakatok na sana ako pero. "a-anak please huwag naman ngayon kasama ko mga kaibigan ko." tila hinang hina ito ng marinig niya ang boses nito. ano bang nangyayari sa kaibigan niya.? "t-teka sinabi niya bang a-anak? b-buntis si grace? pero imposible". nang hindi siya makatiis ay kinatok niya ito lumabas itong namumutla bagama't wala ng bakas na umiyak Ito. ngumiti Ito sakin na parang walang nangyari sa loob "matagal mo ng alam na buntis ka." deritso kong tanong tila naman tinakasan Ito ng kulay sa mukha iyon pa lang ay kompirmado niya na. mukhang matutumba pa ata Ito kaya inalalayan niya agad Ito. "halika don muna tayo sa kwarto ko magpahinga ka." nang mapadaan sila sa sala ay pinaupo niya muna Ito sa hagdan para hindi matumba pumunta siya sa sala para mag paalam na may gagawin lang saglit. binalikan niya si grace at inakay paakyat. isinara niya ang pinto at inilock para wala munang makapasok. pinahiga niya Ito sa kama niya at hinawakan ang kamay nito. "pasensya na" malungkot nitong saad. "nagugulohan ako pero grace sinong ama niyan?" napakagat Ito ng labi na tila maiiyak "grace" magaan niyang pinisil ang kamay nito. "s-si e-edward dela vega." napasinghap ako. at tuluyang tumulo ang luhang pinipigilan nito. "s-si edward dela vega?" pano? "you know him?" nagtatakang tanong nito. "siya yong lalaking nakita ko sa birthday party ng mama mo at may kasama siyang babae nasa tingin ko ay asawa niya. alam mo bang magkaibigan sila ni kuya" umiling ito "nagpunta na si kuya edward dito at nagpakilala sakin magkaibigan sila ni kuya gavin and I think pareho sila ng trabaho."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD