Wenshie POV
Buong biyahe ay pareho silang walang imik. Tahimik na nakatanaw sa labas ng bintana ng sasakyan ni Khier si Wenshie, kahit gaano kaganda ang iba’t ibang ilaw na nagbibigay ng liwanag sa buong paligid ay hindi alintana iyon ni Wenshie, masyadong malalim ang kaniyang iniisip.
Hindi naman aabutin ng trenta minutos ang biyahe pero pakiramdam ni Wenshie inabot sila ng ilang oras. Napaayos ng upo si Wenshie nang tumunog ang kaniyang cell phone, nakita niyang si Florence ang tumatawag.
She immediately swipe the answer buttom, napasulyap naman sa kaniya si Khier, blangko ang ekspresyon nitong nakatingin sa kaniya she ignored Khier.
“Hello,” mahinang sagot ni Wenshie kay Florence.
“Are you okay?” nag-aalalang tanong ni Florence sa kaniya. Alam niyang hindi naman narinig ni Khier ang sinabi ni Florence pero biglang kumunot ang noo nito nang tiningnan siya.
“Yeah,” she answered, trying to convince herself that she’s okay.
“Good... don’t stress yourself Wenshie, alam kong tinawagan ka ni tito, mukhang tama ka nga na minamanmanan niya ang bawat kilos mo,” turan ni Florence.
She remains silent for a second bago nagsalita, “Nasa condo ka?”
Iniba niya ang usapan ayaw ni Wenshie na magkaroon ng ideya si Khier ayaw niyang madamay ito sa galit ng kaniyang ama.
“Oo, nandito rin sina Mensia at Kuya Mike,” sagot ni Florence.
“Sige ibaba ko na itong tawag.” Hindi na hinintay ni Wenshie na makapagsalita si Florence mabilis na pinatay niya ang tawag. Nakikita niyang malapit na sila sa Guanzon Tower kung saan siya ang kaniyang condo unit.
Gusto niyang kutusan ang kaniyang sarili sa mga ginawa niya nitong nakaraang araw. Letting Khier to manipulate her.
“We’re here,” imporma ni Khier, nang natatanaw na nila ang matayog na building.
Dumiretso ito sa basement sa parking area, akala niya aalis na ito nang bumaba siya.
“Salamat sa paghatid,” aniya kay Khier.
He slides his both hands inside his gray jogging pants pocket.
Seryosong nakatingin lang ito sa kaniya.
“Mauna na ako,” dagdag ni Wenshie.
Nagmamadaling tinalikuran ni Wenshie si Khier.
She closed her eyes when the elevator door open. Muling nagtagpo ang mga mata niya at ni Khier bago sumara ang pinto ng elevator, nakatayo pa rin ito sa gilid ng sasakyan nito habang nakapamulsa, his face is emotionless, ito ang Khier na kinatatakutan niya.
When the door finally close she pressed the 35th floor. Mayroong 50th floor ang Guanzon Tower.
Guanzon Tower is located in Makati area.
Nakahinga nang maluwag si Wenshie nang bumukas ang elevator. Mabilis na lumabas siya at tinahak ang direksyon patungo sa kaniyang unit.
Nang nasa harapan na siya ng kaniyang unit biglang bumukas ang pinto, ang supladong mukha ng pinsan niyang si Mike ang kaniyang nabungaran.
“Kuya!” bulalas ni Wenshie.
“Mabuti naman at nandito ka na,” turan ni Kuya Mike.
“Aalis ka?” usisa ni Wenshie sa pinsan.
“May lalad ako bukas hinatid ko lang ang pinabili ni Mensia.” Mike kissed her forehead at nagpaalam na.
Naabutan ni Wenshie sina Florence at Mensia na abala sa pag-aayos ng pagkain sa kusina.
“Mabuti naman at nandito ka na!” bulalas ni Mensia, nagkibit-balikat naman si Florence.
Napaiwas ng tingin si Wenshie sa counter. Bigla niyang naalala ang nangyari sa kanila ni Khier sa mismong counter.
“Bakit ka namumula?” usisa ni Mensia sa kaniya.
“Medyo masama ang pakiramdam ko,” pagsisinungaling ni Wenshie.
Naramdaman ni Wenshie na nag-vibrate ang kaniyang cell phone, she checked it immediately baka ang kaniyang papa iyon but it was Hermes.
Nagpaalam si Wenshie kina Florence at Mensia na magpapalit lang siya ng damit.
Nang nakapasok sa loob ng kaniyang kuwarto namatay na ang tawag ni Hermes. She dialled his number.
Tatlong ring pa lang ay sinagot na ni Hermes ang tawag niya.
They both stay in silent for a couple of minutes.
“I-I’m s-sorry,” basag sa katahimikan ni Wenshie.
“Your dad called me,” Hermes informed her. Napapikit si Wenshie sa narinig.
Namayani ang katahimikan sa pagitan nila.
“He wanted us to get married as soon as possible,” Hermes added.
Kung una lang sana niyang nakilala si Hermes hindi ganito kahirap ang situwasyon niya.
“H-Hermes,” naiiyak na sambit ni Wenshie.
Narinig niyang napamura ito sa kabilang linya at may nabasag.
Pilit na pinipigilan ni Wenshie na humagulhol.
Magang-maga ang mga mata ni Wenshie na lumabas ng kaniyang kuwarto.
Sinabi niya kaagad sa dalawang pinsan niya ang sinabi ni Hermes sa kaniya.
“Akala ko taalaga noong una ay kusa kang niligawan ni Hermes,” litanya ni Mensia.
“Ang laki ng galit ni tito sa mundo pati ikaw gustong manipulahin at maging sunod-sunuran sa lahat ng gusto niya parang hindi ka niya anak,” pahayag ni Florence.
“Iba mag-isip si papa. I can’t say no pagdating sa kaniya.” Pinunasan ni Wenshie ang kaniyang luha.
Naalala niya noon kahit ayaw niya sa gusto nitong gawin ginagawa ni Wenshie para mapalapit sa kaniyang ama. She longing for her father affection na hanggang lumaki siya ay ganoon pa rin ito sa kaniya mainit ang dugo, malayo ang loob sa kaniya.
“Ask lolo help,” suhestiyon ni Mensia, umiling si Wenshie. Ayaw niyang mas lumaki ang hidwaan ng mag-ama.
“Naguguluhan ako,” pag-amin ni Wenshie.
May puwang sa puso niya si Hermes pero palagi namang ginugulo ni Khier ang isip at puso niya.
Tatlong araw na hindi siya iniwan nina Florence at Mensia bumisita rin ang iba nilang pinsan, tatlong araw na rin wala siyang natanggap na text o tawag galing kay Hermes at Khier.
“Maiba tayo,” panimula ni Kuya Mike, kararating lang nito galing Hongkong at dito kaagad dumiretso.
Natuon ang atensyon nila sa lalaki.
“Sa medical team ka hindi ba Wens?” tanong ni Mike.
“Yup,” she answered him.
“Air force or Navy?” tanong ulit ni Mike.
“Navy,” mahinang sagot ni Wenshie.
“Mabuti napapayag mo si tito na pumasok ka sa Navy,” si Kuya Mike.
“Tutol naman si papa noong una but one day he said yes basta tapusin ko iyong business course ko,” sagot ni Wenshie.
“Khier was also in Navy before,” saad ni Kuya Mike.