Nagtataka lahat ng empleyado ng ipatawag silang lahat sa lobby. Sinabi sakanila na gusto silang makita ng may ari ng hotel at magpunta lahat sa lobby.Wala silang idea bakit biglaan ang pagpapatawag sakanila.
Kahit ang itsura ng kanilang boss ay wala din sila idea. Hindi kasi ito nagpupunta rito. Tanging ang manager lang nila ang nakakausap at nakakita rito.
Kagabi sa kadahilanan na nag celebrate dito ng birthday ang tatay ng PAMILYA na may ari ng hotel. Mangilan ngilan ang nakakilala sakanila.
Biglang bumukas ang pinto ng elevator. Lumabas ang isang matangkad na gwapong lalaki. Tindig palang ay makalaglag panga na.
Lahat ay nastarstrack sa presensya ng lalaki na papalapit sakanila. Lahat ng mata ay nakasunod kung saan patungo ang lalaki.
Nagulat sila ng huminto ito sakanilang harapan na mistulang presedente. Lahat ay napanganga dahil mas gwapo ito sa malapitan.
Titigan ka palang ay parang nakakabuntis na. Nagkiligan ang mga kababaehan kahit ung iba ay may mga asawa na di parin mapigilan na kiligin.
Lahat ay nag mistulang statua hindi maalis ang tingin sa lalaking nasa harapan nila.
Pagkahinto ni Raindel sa harap ng kanyang empleyado.Tumabi naman sakanya si John ang kanyang personal assistant.
Nagsimulang magsalita ito para ipakilala ang boss nila.
"Magandang hapon sa inyong lahat ito nga pala ang ating boss na nagmamayari ng F LUXURY HOTEL, Mr. Raindel Flaz." pagpapakilala ni John sa amo.
Ibinaba nila ang kanilang mga ulo at itinaas sabay sabi " magandang hapon sir"sabi ng lahat ng empleyado.
Tumango lamang sakanila ito at tinignan sila isa isa. Ngunit napakunot nuo ulit ito ng nakitang wala duon ang hinahanap.
Si John na pinagmamasdan ang bawat galaw ng boss ay nagtataka sa kakaibang kinikilos ng kanyang boss.
'Kanina pa siya parang may hinahanap'sabi sa sarili.Bumalik sa katinuan ng marinig magsalita iyon.
"ito na ba lahat yun?"tanong ni Raindel
"yes boss sila na lahat"tugon ni John
"Hindi ako pwedeng magkamali! gusto ko makita ang CCTV!NOW!!!" Galit na utos ng kanilang boss
"yes boss"nagtataka pero tinugon parin ni John ang boss niya pagkatapos ay nilapitan ang manager.
Lahat ng empleyado ay di nakapagsalita dahil baka madamay lang sila sa init ng ulo ng boss nila. Lahat ay kinabahan ng nakitang galit ang boss nila kaya nakahinga sila ng maluwag ng pabalikin na sila sa kanya kanyang trabaho.
Si Raindel, John at ang manager ay pumunta sa office kung nasaan ang CCTV.
Pinaplay ni Raindel ang oras kung kailan siya pumunta sa hotel room.
Si John ay di malaman ang gagawin dahil alam niya na nakikita ng kanyang boss ang pagdadala niya ng babae sa kwarto nito nang walang pahintulot.Kumakalabog ng mabilis ang dib dib niya at pinagpapawisan na siya ng malaking botil.
---_------__-------+++++
Sa kabilang banda, nagising si Russy na masama ang pakiramdam. Mataas ang kanyang lagnat at dahil madaling araw na siya nakauwi ay nalate din siya ng gising.
Sinubukan niya tumayo kaso nakaramdam siya ng pagkahilo.Inabot nito ang phone .Nakita niya ang maraming miscall ni "ate Pam'" at mga message nito.
"Russy asan ka?"
"Russy bakit bigla ka nalang nawala?"
"kagabi bigla ka nalang nawala"
"asan kaba nagpunta'
"nagaalala ako sayo"
"dumaan nga pala ako jan sainyo kaninang umaga kaso tulog ka pa daw kaya di na Kita inistorbo"
"hintayin nalang Kita magreport sa hotel"
"Girl late kana!"
"mag reply ka naman"
"akala ko papasok ka"
Tinawagan niya agad si Pam at humingi ng pasensya at sinabing may sakit siya kaya di makapasok sa hotel ngayon.Pag pasok niya ay magrereport agad ito.
Pagkatapos magusap ay humiga siya ulit at nagpahinga. Sumambit na naman sa utak niya ang mga nangyare .
Kumatok ang nanay niya sa pinto at binuksan ang pinto.
"anak bakit di ka pumasok?okay ka lang ba?"sabi ni nanay "Marie Glee"
"okay lang ako nay, MEDYO masama lang pakiramdam ko kailangan ko lang siguro ito ipahinga."tugon ni Russy
Lumapit sa kanya ang ina sabay halos sa kanyang nuo.
"anak inaapoy ka ng lagnat!teka!kuha ako ng bimpo at tubig!"nagmamadaling lumabas ng kwarto
Ilang segundo lang ay bumalik ito at may dala dalang palanggana na may tubigna may alcohol at bimpo.
Inilagay niya ang bimpo sa palanggana tsaka ito pinigaan.Itinupi niya iyon at nilagay sa nuo ng anak. Pinunasan niya din ang mga braso nito para mawala ang init.
Nang mailagay ang bimpo sa nuo,umalis na siya sa silid ng anak para magluto ito ng soup.
Pinikit naman ni Russy ang mga mata niya upang makapahinga.
Dalawa nalang sila ng nanay niya na nakatira duon. Four years old palang siya ng mawala ang tatay niya dahil sa heart attack dahil sa kahirapan at walang panggamot wala sila nagawa.
Nang makita ni Raindel ang reaksyon ni John. Nanlisik ang mga mata nito sa assistant,parang kakain ng buhay. At ibinaling sa CCTV ang mata.
Ang pakiramdam ni John, sana may hole lapain siya para makatakas sa nanlisik na tingin ng amo.
Ngunit sa kabilang banda nang mapanuod niya ang CCTV nakita niya na itinulak palabas ng kwarto ang babaeng binayaran nila.
'kung walang nangyare sakanila? bakit may red mark sa bedsheet ng kanyang amo?'tanong sa sarili ni John
Habang pinapanuod nila ang CCTV. Nakita nila ang isang babae na may dalang mineral waters na kumatok sa pinto niya.Pinapause ni Raindel ang video at lumingon sa manager.
Ang manager ay walang iba kundi si Pam Lu na kapitbahay ni Russy at nagpasok Kay Russy para makapag Ojt roon.
Bigla siya kinabahan sa tingin ng amo
'may ginawa ba na kalukuhan si Russy? bakit parang hinahunting siya ng amo nila?' sabi sa sarili.
Nagtatanong ang mga mata ng amo nito sakanya na para bang tinatanong kung sino ang babaeng nasa video.
Bago pa man niya maibuka ang bibig niya ay narinig niya ang boses nito.
"Kilala mo ba kung sino yan?"tanong ng boss sabay harap ng monitor sakanya.
"ah---- yes S-sir,hindi po natin siya empleyado. Nagoojt lang po siya rito."sagot ni Pam na di malaman ang isasagot kaya pautal utal
Biglang nagiba ang ihip ng hanging. Nagulat sila ng napangiti ito at sinabi,
"Bigyan mo ako ng details niya."utos ni Raindel
"at bakit nga pala wala siya rito ngayon?"sinundan ng tanong ng boss
Parehas nagulat ang mga mukha ni John at Pam at nagtinginan. Hindi nila malaman kung bakit bigla nalang nagkainterest ang amo nila Kay Russy.
10 years na si Pam rito ngunit di niya nakitaan ang boss na naging interesado sa babae. Maging si John ay 20 years na sa serbisyo ay nagulat na ngayon lang nakita ang boss na ganiyan maging ngumiti ng dahil sa babae.
Nasa kalagitnaan sila ng paguusap ng tumunog ang phone ni Pam. Kinuha niya iyon sa bulsa. Nagulat siya na si Russy ang tumatawag sakanya.