Kabanata 23

1462 Words

"Lucas, h'wag!" sigaw ni Esperanza. "Mahalagang buhay s'ya para linisin ang pangalan mo." "Matagal nang sira ang pangalan ko. Mas importante sa 'king mawala s'yang tuluyan para hindi na makaperhuwisyo pa." "Nakaluhod na s'ya, humihingi ng awa. Sa tingin mo, tama bang patayin mo s'ya kahit hindi na s'ya lumalaban?" "Wala s'yang karapatang humingi ng awa dahil hindi n'ya rin kayang ibigay 'yon sa mga nabiktima n'ya. At baka isa ka na ro'n kung napaniwala ka n'ya!" Naningkit ang mga mata nito sa galit. Lumitaw rin ang mga litid sa leeg nito. Ipuputok na sana ni Lucas ang baril nang may marinig silang ingay. Dumating sina Diego. "Kung ako rin ang nasa kalagayan mo, kanina ko pa itinumba 'yan. Pero saka mo na gawin, may pakinabang pa sa atin 'yan," sabi ni Diego." Tumingin ito kay Lauro. "

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD