CHAPTER 1 PLEASE COME BACK

1695 Words
HUNTER "Dude stand up, ihahatid na kita," tapik sa akin ni Sage. Umungol lamang ako ngunit hindi siya pinansin. Isinubsob ko lang ang ulo ko sa lamesa at ipinikit ang mga mata ko. Masakit na ang ulo ko, namamanhid na rin ako sa kalasingan ngunit ramdam ko pa rin ang pamilyar na kirot sa puso ko. It's been three years but the pain gets worse each day. I don't know if I can still continue living like this. "Hunter let's get you home, you've had enough," untag sa akin ni Calvin. Inangat ko ang ulo ko at walang buhay na tiningnan siya. "Home? What's home without Tate in it?" Natahimik ang lahat sa naging tanong ko, napangiti ako ng mapait nang bumakas ang lungkot sa mukha ng mga kaibigan kong brusko. That's what my wife's name's effect on them, I can see sadness and pity looming in their eyes. Pinilit kong tumayo kahit nahihilo na ako, masyadong malikot ang ilaw sa loob ng bar kaya marahil mabilis akong nalasing. Inaalalayan nila ako ngunit itinutulak ko lamang ang mga kaibigan ko. "I can- hik! Do it!" singhal ko sa kanila. Lumayo naman sila at hinayaan ako. They know better than to get in my way. Sa hilo aty hindi ko na napansin ang babaeng dinaanan ko, ngunit napatigil ako nang maamoy ang pabango nito. Nilingon ko ito at sa nanlalabong paningin ay parang nakita ko si Tate na nakatayo 'di kalayuan sa akin. "T-Tate..." Lumakad ako palapit dito, halos matumba ako nang makalapit ako rito ngunit maagap ang babae at nasalo ako. Sa ibang pagkakataon ay tatawanan ko ang sarili ko ngunit mas gusto kong yakapin ang babaeng nasa harap ko. "W-wait-" "Tate... Tate I missed you. Please come back home... please come back to me babe..." hindi ko mapigilang maluha habang yakap ang natitigilang si Tate. "I-I think you're m-mistaken," pilit akong itinutulak ni Tate ngunit mas inilubog ko ang mukha ko sa leeg niya. Sinamyo ko ang amoy niya na kaytagal kong pinanabikan. "I will never forget your smell babe, that scent is yours..." parang nababaliw na turan ko. Naramdaman ko ang paninigas ng babae. Muli ko sanang hihigpitan ang pagyakap ko sa kanya nang marinig ang sigawan ng mga kaibigan ko na mukhang sinundan ako. "Hunter!" sigaw ni Calvin sa pangalan ko. "Jeez dude!" napapalatak na turan ni Mace. "Mace dali hatakin mo!" rinig kong sigaw ni Sage. Nakaramdam ako ng kahungkagan nang malayo ako kay Tate. Bigla itong tumakbo nang humingi ng paumanhin ang mga kaibigan ko. Hahabulin ko sana siya ngunit dala ng kalasingan ay natumba na lamang ako sa semento habang nakatanaw sa papalayong babae. "Tate!" pagtawag ko rito ngunit parang bingi na hindi ito lumingon. "Hunter she's not Tate," malungkot na turan ni Atticus. "No! That's Tate! I know her smell. That's her! Tate! Babe please come back!" hindi ko na naitago pa ang pag-iyak sa harap ng mga kaibigan ko. I don't care anymore, I want my wife back! "Dali buhatin na natin," wika ni Sage sa mga kaibigan namin. Naramdaman ko ang pagbuhat nila sa akin na hindi ko na tinanggihan pa. Hindi ko na rin kayang buhatin pa ang sarili kaya nagpatangay na lamang ako sa mga ito. Hindi ko na alam kung paano kami nakapasok sa bahay ko ngunit naramdaman ko na lang ang pagbagsak ng ulo ko sa unan. "Tate... please come back," lumuluhang turan ko bago ipinkit ang mga mata ko. THIRD PERSON Bumukas ang malaking salamin na naghahati sa dalawang silid, may babaeng pumasok sa kuwarto ng natutulog na si Hunter. Ang asong natutulog lamang sa gilid ay biglang nagising nang maramdaman ang ibang presensya sa silid ng amo. Inilagay ng babae ang isang daliri niya sa labi upang patahimikin ang aso, parang nakakaintinding muling pumikit ang aso at natulog. Lumakad ang babae palapit sa kama ni Hunter na kung paano na lang humiga, malalim na nag tulog nito base sa mahinang paghilik nito. Pumunta siya sa kanugnog na banyo at kumuha ng plangganita at maliit na towel, pagbalik nito sa kuwarto ay tumahip ng mabilis ang puso nito nang makitang nagpalit ng puwesto ang lalaki. Pinakiramdaman niya kung nagising ito at ilang minutong nanatiling nakatayo lamang habang nagmamasid sa susunod na paggalaw nito. Nang masigurong nakatulog na itong muli ay saka siya lumapit at inalis ang mga damit nito. Mabuti na lamang at tumihaya ito ng higa kaya mabilis niya lang nalinisan ito. Maging ang pantalon nitong ay madali niyang naalis, napapikit ang babae nang makita ang itinatagong yaman nito. Ipinilig ng babae ang ulo niya at napalunok nang mariin. 'This is not the right time for that Yana!' Mabilis niyang tinapos ang paglilinis sa katawan nito at muling umupo sa tabi nito, matindi ang hatak nito sa kanya. Hindi niya na kayang pigilan pa ang sarili kaya iniangat niya ang kamay at dinama ang mukha nito. Sa una ay mabining dantay lamang ang ginawa nito ng-unit nang masigurong hindi na magigising ang lalaki ay lumapit na siya nang tuluyan rito at niyakap ito. She can't stop herself, she need this. Just this once... "Hang in there Enoa, please hang in there..." bulong nito sa lalaki. Nagulat pa ito nang kabigin siya ng lalaki nang mahigpit, at parang aatakihin sa puso ang babae nang makitang dilat na ito. "I'll hang in there for you Tate... I'm gonna see you again soon babe..." paos ang tinig na turan nito saka muling pumikit. Ngunit hindi niya inaasahan na bababa ang ulo nito at hahalikan siya. Mabuti at naitulak niya ito at kabadong nilingon, nakitang nakatulog na itong muli na parang hindi nagising ngayon lang. 'You're doomed Yana! You shouldn't have crossed the line!' Mabilis siyang nakakilos palayo rito, bumalik siya sa silid niya at muling isinara ang salaming naghaharang sa kanila. Nang maisara niya iyon ay kipkip ang dibdib na pinanood niya ito mula sa kabila. Ang salaming naghahati sa mga silid ay may maliit na two way screen kung saan niya napapanood ang bawat kilos ng lalaki. Sa kabilang banda ay aquarium ito ngunit sa kabila ay ang screen niya. This is a secret hideout. And this is her secret. Ilang taon na siyang nakatira rito na hindi nalalaman ng lalaki. Siya ang naatasang magbantay rito at subaybayan ito sa mga misyon nito sa negosyong minana mula sa ama. And she, she's a trained killer, and MURDER is her surname. A lone tear fell on her eyes as she watch the man cry for his dead's wife name every night. Her heart is hurting, she want to comfort him but she isn't allowed to be seen. At muntik na siya kanina! Maraming bagay ang nakasalalay sa kaniya kaya kahit mahirap ay kinakaya niya, pumikit siya panandalian upang patigilin ang mga luhang hindi na yata nauubos. Tumunog ang cellphone niya at nang ilabas iyon ay nakitang ang partner niya ang tumatawag. Tumikhim muna siya bago sinagot ang tawag nito. "Yes Rogue?" "Where are you?" "Here," nakakalokong sagot ko rito. "Seryoso ako Slate, nasaan ka?" "Nandito nga lang sa paligid, bakit ba?" "Can I ask for a favor?" parang batang tanong nito. Napangisi ang babae dahil alam na niya kung ano ang kailangan nito sa kaniya. "Sure, see you at the HQ, I'll be there within," sinipat ko ang oras sa bisig ko at sumagot, "15 minutes." "Okay, drive safe Slate. Tandaan mo wala ka sa America." "Oo na! Sige na," ibinaba niya ang tawag at napapailing na dinampot ang maskarang nakakalat sa harap ng computer nito. Muli niyang nilingon ang malaking screen at malungkot na napangiti. Lumabas na ang babae at parang aninong humalo sa dilim bago mabilis na tumalilis palayo sa malaking bahay. Pinindot niya ang remote na hawak upang maiactivate ang security features no'n. HUNTER Nagising ako na parang binabarena ang ulo ko sa sobrang sakit niyon. Napadilat ako agad nang maramdamang wala na akong suot. Inangat ko ang kumot at nakitang nakasuot na rin ako ng paborito kong pajama, iyon pang iniregalo sa akin ni Tate noon. Pilit kong inaalala ang nangyari pagkagaling namin sa bar kagabi. Kinukusot ko ang mata nang maamoy ang pamilyar na pabango ni Tate, agad akong tumayo at hinanap ang pinanggagalingan ng amoy niyon. Nilibot ko ang kuwarto na parang aso at natigil ako sa harap ng aquarium. The sweet scent is almost faint that it's almost gone, but it's still there. But I remembered I sprayed her perfume two days ago after having anxiety attacks. Her perfume that I specifically choose for her calms me down ever since she passed away. It saves me for a long time and so I sprayed it on the room again. The perfume bottle is almost low so I called Kaito to make me a new one for me. That guy has lots of businesses both legal and not, and one of his legal business is perfumery. Nakita kong nakahanda na ang mesa ko na hindi ko na ikinagulat, mula nang lumipat ako sa bahay na ito ay palagian nang may nakahandang pagkain para sa akin tuwing narito ako. Malamang ay isa sa mga katulong sa mansyon ng Dad kaya hindi na ako nagtatanong. Napangiti ako nang makita ang pamilyar na box mula sa cafe na pag-aari ng mga magulang ni Tate, pagbukas ko ay nakita ko agad ang cheese tart na naging paborito ko dahil sa babaeng mahal ko. Patapos na akong kumain nang mag-ring ang telepono ko, napakunot ang noo ko nang mabasa ang pangalan ni Dad. "Dad," maiksi kong pagbati rito. "How are you son? Are you at home?" "Yeah why?" "I have a mission for you." "Sure, and who is that?" balewalang tanong ko. Matagal bago sumagot si Dad kaya magtatanong na sana akong muli nang magsalita siya. "Ramon Castaneda," maiksing sagot nito na nagpainit ng dugo ko. Naikuyom ko ang kamao ko at naipikit ang mga mata ko sa tinitimping galit. Matagal ko nang gustong patumbahin ang taong ito, ngunit mas madulas pa ito sa palos at palaging nakakalusot sa lahat ng kasong isinasampa sa kaniya. Ramon Castaneda, the man who stole my wife's life, the man who took Tate away from me. He'll pay. An eye for an eye it is.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD