Episode 29 HINDI ko inaasahan na makikita ko si Arrow na naghihintay sa akin doon sa gate ng kumpanya. Kung titignan nga at nagmistulan siyang model na nakasandal sa pader dahil sa kanyang suot. Naka-turtle neck kasi siya na kulay itim na tinernuhan niya rin ng itim na pantalon. “A-Anong ginagawa mo rito?” gulat kong tanong sa kanya. Matapos niyang lumapit sa akin ay tinawanan niya lang ako. Ang magkabila niyang kamay ay nakatago sa magkabilang bulsa ng kanyang pantalon. “Na-surprise ba kita?” Tumango ako sa kanya. “Hindi ko inaasahan na pupunta ka rito, Arrow.” Hindi naman siya sumagot sa akin at tinitigan lang ako. Medyo kinabahan pa nga ako dahil sa pagtitig niya sa akin. Hindi naman ako nito tinititigan kaya ganoon na lang talaga ang kaba ko sa ginawa niyang pagtitig sa akin. Med

