Episode 13 “What?” IYON ang mga salitang lumabas kaagad sa bibig ko nang malaman kong natrapped nga kaming dalawa rito sa loob ng elevator. Pagkamalas-malasan nga naman ay dito pa talaga sa masikip na elevator kami natrapped. Sinubukan kong tabigin ang pinto dahil baka sakaling may makarinig sa amin at tulungan kami pero walang nakakarinig sa amin. Para kaming mga fictional characters sa libro na nababasa ko noon dahil sa nangyayari sa amin ngayong dalawa ni Silver. Sobrang cliché iyong pangyayari ngayon to the point na nahuhulaan ko na kung anong maaaring gawin ni Silver lalo na ngayong kaming dalawa lang ang nandito sa elevator. “Let’s wait until we get someone’s help. Panigurado namang alam na ng mga staff ng mall na may aberya sa elevator.” Tumango na lang ako sa kanya at umu

