NOT A TYPICAL OTHER WOMAN By JOEMAR ANCHETA (PINAGPALA) CHAPTER 44 JAMES’ POINT OF VIEW Paglabas ni kuya ay muli akong napabuntong-hininga. Sana happy ending na lahat kung hindi lang sa isang katarantaduhang nagawa ko na iba ngayon ang nagdurusa. Masaya ako para sa pamilya ko ngunit malungkot na malungkot ang aking puso lalo pa't hindi pa rin naging malinaw ang kaso ni Mandy. Ni hindi ko nga alam kung magkikita pa kaming buhay siya o kung makukulong na siya doon nang matagalan. Hindi ko magawang tumawa. Parang kahit nabuo na ang pamilya ko ay nakapalaki pa rin ng kulang sa buhay ko. Alam kong si Mandy lang ang tanging makapagbibigay sa akin ng kaligayahang iyon. Nakadagdag sa kalungkutan ko ang isang tawag galing kay Vincent. Isang maikling tawag ngunit nakapalaki ng epekto nito na sa

