NOT A TYPICAL OTHER WOMAN By JOEMAR ANCHETA (PINAGPALA) FINAL CHAPTER JAMES’ POINT OF VIEW "Ikaw ba si James Reyes?" tanong ng isang pulis. "Ako nga ho." Nanginginig na ang tuhod ko. "Hinuli ka naming dahil pinaghahanap ka ng bansang Qatar sa isang tinakasang kasalanan. Kailangan mong harapin ang kasalanang iyon at ibalik sa kanilang bansa para panagutan ang iyong pagkakamali." Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Nanginginig na ang buo kong katawan. Lahat ng naroon ay nakatingin sa amin. Lumapit si kuya Daniel. Hinawakan niya braso ko. "May warrant of arrest ba kayong dala?" Inapuhap ng pulis ang isang papel sa kaniyang bulsa at inaabot niya kay kuya Daniel. Binasa iyon ni Kuya saka malungkot ang kaniyang mga matang tumingin sa akin. Yumuko. Ito na nga. Nangyayari na. K

