WILLOW'S P.O.V. “mommy? Ito maganda” Sabi ko sa aking ina habang inaabot sa kanya ang gown na naka hang dito sa loob ng Kilalang boutique. Naghahanap kami ng gown na susuotin namin sa Birthday Party ni tita Cindy ang asawa ni tito Charles na kapatid ni tito Connor. Lumapit ito sa akin at sinuriin ang gown. Namangha ito nang makita ang kabuoan nang gown. Kulay brown ito na napapalibuan ng diamond. “Ang ganda nga anak” Mangha niyang sagot “Isusukat ko” Mabilis na kinuha niya ang gown at excited na pumasok sa fitting room. Tinitigan ko ang likuran nito habang papalayo sa akin. Masaya ako at nakasama ko na siya, natatandaan ko noong bata pa ako, palagi akong pumupunta sa family park na mag isa at nangangarap na mamasyal ako sa parke kasama ang aking ina, Napangiti ako, Natupad na pala aang

