ARIES'S P.O.V Bigla akong nagising mula sa aking pagkakatulog. “Willow?” Sigaw ko sa pangalan nito, ngunit hindi ko maibigkas ang panagalan nito ng maayos. Iminulat ko aking mga mata at sinuri ang paligid. Nasaan ako? Taka kong tanong sa aking sarili. ‘”Willlow?” Tawag ko pangalan nito ulit, Ngunit parang ungol lamang ang lumabas sa aking bibig. Sinubukan kong lumunok, doon ay naramdaman ko na may matigas na bagay na naka bara sa aking lalamunan. Sinubukan kong igalaw ang aking katawan at naigalaw ko naman ito ng maayos. Iniangat ko ang aking kanang kamay at doon ay nakita ko na may Microset na naka tusok sa likod ng aking palad. Nasa hospital ako? Paano ako naka rating dito? Tanong ko ulit sa aking sarili. Sinubukan kong alalahanin ang ang mga nangyari. Biglang nag rewind sa aking isipan

