19

1194 Words
ARIES'S P.O.V. Napa balikwas ako ng bangon nang marinig ang malakas na tunog ng aking Cellphone. tiningnan ko ang Orasan na ka sabit sa dingding ng aking kwarto. s**t! mura ko . alas tres pa lamang ng madaling araw, Sinong baliw ang tatawag ng ganitong oras? tanong ko sa aking isip. inabot ko ang aking cellphone at tiningnan kong sino ang caller, mula ito sa isang unknown number at ang phone code nito ay +1. Tawag ito mula sa USA. Sinagot ko ang tawag "Good afternoon Mr. Aries Montalban, this is from 24th STS. your entry will be on Thursday. Report directly once you get here and sign documents regarding to your resumption" Dere deretsong sabi ng isang babae sa linya "Ok, Ma'am. Thank you" Sagot ko sa kanya at pinatay ang tawag. tiningnan ko ang kalendaryo sa aking cellphone, Tuesday na pala ngayon. kailangan ay maka alis na ako dito sa pinas mamayang gabi o bukas ng umaga. bumalik ako ng higa sa aking kama. ang sakit ng ulo ko hindi kasi ako naka tulog kahapun ng gabi hanggan sa mag hapon kinabukasan dahil nasa hospital kami at binabantayan si Gaia, alas onse ng gabi na ako naka uwi ng mansyon at ngayon ay nagising pa ng dahil sa tawag. Nagyon ay nawala pa antok ko. tumayo ako at lumbas ng kwarto. Dahan dahan akong bumaba ng hagdan at dumiretso sa kunsina. Pag pasok ko sa kumuha kumuha ako ng baso at binuksan ang ref upang kukuha sa ng malamig na tubig nang may biglang mag salita sa aking likuran "Ang aga mo namang nagising" Mabilis akong lumingon sa pinang galingan ng Boses "Aaaaahhhh" napa sigaw ako sa takot ng makita ang isang pigura ng tao na nakakatakot at sobrang puti ng mukha nito, sa takot ay naitapon ko ang basong hawak hawak ko sa direksyon nito "Araaayyy" Sigaw niya ng matamaan ito ng baso sa noo "Tang ina mo" natigilan ako ng mag mura ito, pamilyar sa akin ang boses nito "Ang sakit, gago" mura nito ulit "Eros?" Tawag ko sa kanya, ka boses ito ni Eros "Tarantado ka Aries ang sakit ng binato mo" raklamo nito habang hawak hawak ang parte ng kanyang noo na tinamaan ng baso. "E bakit kasi ganyan ang itsura mo" Reklamo ko dito "Para kang aattend ng Halloween party" Dagdag ko, Nagtaka naman ito sa sinabi, Nang tinanggal niya ang kamay mula sa parteng tinamaan ko, ay nakita ko ang dugo na dumaloy pababa sa mukha nito mula sa kanyang sugat sa noo. agad naman itong nag tungo sa harap ng salamin na naka dikit sa dingding. "Aaaaahhh" malakas nitong sigaw ng makita ang sariling mukha sa salamin, Natawa ako sa expression nito, mas nakakatakot pa kasi itong tingnan ngayon dahil may dugo sa mukha nito. "Tang ina, Leander!" malakas nitong tawag sa kapatid ko. Dali daling bumaba si Leander sa hagdan upang harapin ito, "Anong nangyayari, Aaaaaaahhhhh!" napa sigaw rin ito ng makita si Eros at akmang tatakbo pa akyat ng hagdan. Nang biglang magsalita ang aking ama "Anong Nangyayari dito?" malakas na tanong ng aking ama "Ma-ma-may multo" Utal na sabi ni Leander "Anong multo ang pinag sasabi mo" Sabat ni Eros "Eros?" tawag ni daddy ka sa pinsan ko "Anong nangyari sayo at naging ganyan ang mukha mo?" Taka nitong tanong kay Eros. Sinamaan ni Eros ng tingin si Leander. Biglang nataranta si Leander ng malamang si Eros ito "Ah eh, hoy, sabi mo gusto mo mag beauty rest at mag face mask ng magkaroon ka ng korean skin, kaya hayan nilangyan kita peel off mask at white henna" pahayag nito, kaya pala parang pulbo ito na dumikit sa mukha niya. agad na nag tungo si Eros sa sink upang banlawan ang muka. Nang matapos ay bumalik ito sa harap ng Salamin, natanggal lahat ng abo sa mukha nito pati na dugo, ngunit maputi parin ang mukha niya. kung titingnan ay parang nagka mantsa ng kulay puti ang buong kanyang mukha. "s**t, Leander" Mahinang tawag niya kay Leander, halatang nagpipigil ito sa galit "kaarawan ni Mommy bukas, paano ako aattend ng ganito ang itsura ko" Reklamo nito habang nakatitig kay Leander. Nakakatawa ang mukha nito at kahit si daddy si natatawa na rin, tumalikod na lamang ito sa bumalik sa kwarto nilang dalawa ni mommy. tumingin ako ulit kay Eros para itong inilagay sa labas ng isang buong gabi habang nag iisnow, pati ang kanyang kilay, pilik mata at bigote ay naging puti na rin. tanging ang mga mata at labi lang nito ang may buhay na kulay. Sobrang layo na ng kulay ng mukha nito sa kulay Kayumanggi nitong balat mula sa tenga, leeg pa baba ng katawan nito. "Mag Halloween costume ka nalang bukas" Suhestyon ni Leander "Tanga ka ba, birthday party yun tapos mag Hahalloween ako?" Inis na sagot nito "alam ko na, mag tataning lotion ka nalang bukas" suhestyon ulot ni Leander, "tanning lotion? ano yun?" taka namang tanong ni Eros "Ang bobo naman nito, malamang lotion pang paitim" mataray na sagot ni Leander. Tumalikod na lamang ako at kumuha ng tubig, kailangan kong bumalik sa pag tulog "pag ito hindi naayos bukas, uupakan talaga" Rinig kong sabi ni Eros habang sabay sila ni Leander pa akyat ng hagdan "Oo nga, akong bahala" Sagot Leander. Nang matapos na akong uminum ng tubig ay Umakyat na ako sa aking upang bumalik sa pag tulog. kinabukasan ay maaga kong inihanda ko ang mga gamit na aking dadalhin pa balik ng North Carolina. Mamayang gabi ang plano kong pag alis. Nang matapos ay nag tungo ako sa kwarto ni Leander upang kausapin ito. Pagbukas ko ng pinto ay nandoon lahat ng kapatid at pinsan ko. Narinig ko silang nagtatawanan "Aries?" tawag ni kuya Cole sa akin nang mapansin niya ako "Kuya, Insan" Tawag ko sa kani, lumingon silang lahat sa akin, pinakahuling lumingon si Eros. Sobrang pigil ako sa aking pagtawa ng makita ang ang mukha nito, nilagyan nila ng tanning lotion ang mukha nito, nagmumukha na tuloy itong inihaw na balat ng orange. Tinikom ko muna ang aking bibig at huminga ng malalim. ayaw kong tumawa at baka magalit ito, sobra pa naman ito kung magalit. "Aalis na pala ako mamaya, pabalik sa North Carolina" Paalam ko sa kanila "reresume kana?" tanong ni Eros, tumingin ako mukha nito, hindi ko na mapigilan ang pag tawa kaya't tumawa na lamang ako. "Tangina naman, seryoso yung tanong" Reklamo ni Aries, Tulad ko ay Isa din itong myembro ng isa sa Special mission unit o Elite Unit ng US at iyon ay ang 75th Ranger Regiment. "Seryoso nga ako" sabi ko sa pagitan ng tawa "Nakakatawa kasi ang itsura mo, mukha kang tostadong orange" sabi ko at tumawa ulit ng malakas "Si Leander kasi talaga ang may kasalanan" Reklamo nito, tumalikod na lamang si Leander habang tumatawa. "Sa thusday na entry ko" sagot ko "Ikaw? kelan ba balik mo?" tanong ko sa kanya. "sa susunod na buwan pa, ingat ka nalang dun" Sagot nito "Ipapahanda ko ang plane mamaya" sabi sa akin ni Kuya Cole "Magpaalam kana kila mommy" utos nito Agad naman akong lumabas ng kwarto at hinanap si mommy upang mag paalam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD