Aries's P.O.V.
Hindi parin ako maka galaw. para akong estatwa na naka naka tayo sa loob ng library.
"tutunganga ka nalang ba jan? o sasama ka sa ospital?" narinig kong sigaw ni kuya Cole. Lumingon ako sa kinaroroonan nito. "Bilisan mo na" sigaw nito ulit, wala sa isip kong humakbang at sumunod dito.
"Ano ba ang ginawa mo Aries?" Seryosong tanong ni kuya Cole sa akin habang nagmamaneho ito patungong ospital. napa yuko ako, hindi ko alam kong ano ang isasagot ko sa tanong nito, kahit ako ay hindi alam kung bakit ko nagawa iyon kay willow. marami rin akong katanungan para sa sarili ko, ganoon na ba ka tindi ang galit na nararamdaman ko para dito? bakit nga ba ako nagagalit ng husto sa kanya at umabot pa sa punto na halos mapatay ko na siya. Ang gusto ko lang naman sana ay saktan ito layuan niya ako dahil ang totoo ay natatakot ako sa nararamdaman ko para sa kanya, kung kaya't samot saring pang iinsulto nalang ang binabato ko dito, at sa nangyari kanina ay gusto ko lamang ko lamang na mahulog ito sa hagdan, hindi naman iyon masyadong mataas dahil nasa pangalawang hakbang lang naman ito naka tayo, hindi ko inaasahang ma daganan ito ng hagdan na ginamit niya.
Nang makarating kami sa ospital ay nadatnan namin si Leander kasama ng iba pa naming mga pinsan na naka upo at tahimik na naghihintay sa labas ng operating room. Nakita ko din ang aking ama na naka upo sa tabi ng aking umiiyak na ina na malalong nagpabigat ng aking nararamdaman. Biglang bumukas ang pinto ng operating room at lumabas ang doctor mula dito
"Willow?" mahina kong tawag sa pangalan ni willow, bago tumayo at mabilis na tumayo at lumapit sa doctor.
"Sino ang asawa ng pasyente?" tanong ng doctor sa amin, napatingin silang lahat sa akin.
"Ako po" Sagot ko sa doctor.
"buntis ho ang asawa ninyo" Nabigla at Para akong binuhusan ng malamig na yelo pagka rinig ko sa sinabi nito "maraming nag fractured na bone at sprains, at may malalim na tusok mula sa matulis na bagay sa tagiliran nya at dahil sa malalim ito ay naapektohan ang sinapupunan nya kaya't hindi ho namin masisiguradong maililigtas ang bata" mahabang paliwanag nito. Hindi maibuka ang aking bibig dahil sa pagkabigla. "Sign this" alok nito habang inabot nito ang isang waiver. naramdaman ko ang pag daloy ng aking mga luha sa aking pisngi. tinitigan ko muna ang waiver pinirmahan.
"Please, iligtas nyo ang mag-ina ko" nanginginig na pakiusap ko sa doctor pagkatapos kong pirmahan ang waiver
"Gagawin ho namin lahat ng aming makakaya" pagkasabi nito ay mabilis itong pumasok sa operating room.
"Tarantado ka!" Rinig kong sigaw ng aking ama mula sa aking likuran pag lingon ko sa kanya ay dumapo sa mukha ko ang mabigat kamao nito. nawalan ako ng balanse kaya't nadapa ako sa sahig ng ospital doon ay bumuhos ang aking mga luha. Napaiyak ako hindi dahil sa sakit ng suntok ng aking ama kundi dahil sa sakit na aking nararamdaman , biglang lumitaw sa aking balintataw ang umiiyak na mukha ni willow na mas lalo pang nagpapahapdi ng aking puso, willow? mahina kong tawag sa kanya, "Sorry, hindi ko sinasadya" sabi ko sa pagitan ng pag hikbi, pilit kung abutin ang mukha nito ngunit naramdaman ko ang pag sipa ng aking ama sa aking kaliwang paa, namilipit ako sa sakit. "Kaylan kapa naging demonyo ha? Aries? Papatayin ang mag ina mo?" Sigaw nito, Umiiling ako habang humahagulgol sa pag iyak
"I'm sorry, Hindi ko sinasadya" Sabi ko ulit,
"Doon ka humingi ng sorry kay willow at sa magiging anak mo!" Sigaw nito at mabilis na umalis.
tinulungan akong tumayo ni Kuya Cole at inalalayan hanggang sa maupo sa upuan isang upuan. Wala pa ding tigil sa pag daloy ang aking mga luha, sa kauna unahang pagkakataon ay nagawa ko ang isang bagay na di pa kaylanman nagagaw, Ang mag alay ng panalangin
"Dyos ko, patawarin nyo pa ako sa mga kasalanang nagawa ko, pakiusap iligtas nyo po ang mag ina ko, pangakong iingatan ko sila, poprotektahan at mamahalin ng higit pa sa ano mang bagay dito sa mundo" mahinang kong panalangin habang naka yuko. Maya maya ay lumabas ang doctor mula sa loob ng operating room, sabay kaming nagsitayuan lahat at lumapit sa doctor, nanginginig ang aking mga paa, kinakabahan ako sa ano mang sasabihin ng doctor, sa sobrang kaba ay parang hindi na ako maka hinga. Bakita kong ngumiti ang doctor
"Malakas kumapit ang baby mo, maayos na ang kalagayan nila ng asawa mo" unang pahayag nito. naka hinga ako ng maluwang pagka rinig sa sinabi to, "salamat dyos ko at dininig mo ang panalangin ko, makakaasa kang tutuparin ko ang pinangako ko sayo" mahinang pasasalamat ko sa panginoon. "may malaking sugat si misis sa may bandang leeg, sa puson at sa noo, kaylangan nya munang manatili dito sa hospital nang kalahating bwan nang mamonitor namin ang kalagayan nila ni baby" Sabi ng doctor. tumango tango lang ako dito "Hintayin nyo na lang ang pasyente sa suite room na pag aari ng pamilya nyo" dagdag nito
"Maraming salamat doc" pagpapasalamat ko dito. agad kaming nag tungo sa suite room na pag aari ng pamilya Montalban
Nagbibiruan ang aking mga kapatid at pinsang nang bumukas ang pintuan ng ng kwarto, pumasok ang dalwang crew ng hospital tulak tulak ang stretcher bed kung saan nahiga si willow. parang tinusuk ng libo libong karayom ang aking puso nang makita ang sitwasyon nito. may plaster na naka palibot sa ulo nito nito, may neck collar ito sa leeg, naka oxygen din ito. may malaking hiwa ito sa labi at namamaga, may malaking pasa din sa gilid ng kanang mata nito. Nakatitig lang ako dito habang pinipilan ang pag tulo ang aking mga luha. Inilipat nila si willow sa hospital bed kasama na ang mga aparato na naka konekta sa katawan ni willow. Nang maka labas na ang mga crew ay agad na lumapit ang aking kay willow, humihikbi ito
"Willow, iha?" narinig kong tawag ji mommy kay Willow "pasensya kana ha? kung hindi sanankita pinilit na mag bakasyon dito ay hindi sana nangyari ito sayo, hindi man lang lang kita na protektahan" sabi nito sa pagitan ng pag iyak. Nang tumayo si mommy at nag tungo sa comfort room ay agad akong lumapit kay Willow. Hindi ko na napigilan ang pag buhos ng aking luha. Nang dahil sa akin ay umiiyak ngayon ang aking ina, nang dahil sa ka gagawan ko ay nasaktan ko ang dalawang babaeng pinaka mahalaga sa akin at nadamay pa ang walang malay na bata sa sinapupunan nito, ang anak ko, anak namin ni Willow, niyakap ko si willow at humagulgol ng iyak
"Patawarin mo ako, hindi ko sinasayda" sabi ko sa kanya habang umiiyak, ibinuhos ko lahat ng aking sama ng loob sa pamamagitan ng pag iyak habang niyayakap ito.
Nang lumalim na ang gabi ay isa isang nagpaalam ang mga pinsan at mga kapatid ko
"Mommy? ako na po ang magbabantay kay willow" sabi ko sa aking ina
"para ano? para matuloy mo ang planong pagpatay sa kanya at sa anak mo?" Galit niyang tanong sa akin.
"Hindi ko pa gagawin yon" Nanginginig kong sabi, nasasaktan ako dahi nawalan na ng tiwala ang aking ina sa akin. Hindi ko din naman ito masisisi, dahil ako din naman ang may kasalanan
"dito lang ako" matigas niyang sagot sa akin, hindi ko na lamang ito pinilit.
Kumuha ako ng basang towel sa loob ng CR at dahan dahan kong pinunasan ang buong katawan ni willow, dahan dahan kong ginawa iyon at ingat na ingat na hindi masagi ang mga sugat nito. Napatingin ako sa medjo bumpy na puson nito, hindi ko mapigilan ang pag tulo ng aking luha
"Anak, patawarin mo ako, nasaktan ko kayo ng mommy mo" Mahina kong sabi habang umiiyak at hinihimas tyan ni willow.