ARIES'S P.O.V. "Hoy, huminga ka naman jan. Para kanang hihimatayin ano mang oras ngayon" Natatawang sabi ni Eros sa akin habang naka tayo sa aking likurang sa harapan ng altar at naka titig kay Willow na kasalukuyang nag lalakad papunta dito sa altar. Narinig kong nag tatawanan sila "Tumahimik nga kayo" Inis kong sigaw sa kanilang dalawa ni Leander. Ngayon ang araw ng kasal namin ni Willow dito sa Cathedral de Santander na matatagpuan dito sa Santander Spain. Tumitig ako kay Willow. Napaka ganda nito sa suot niyang Wedding gown. Napaka sexy parin kahit tatlong buwan pa lamang itong nanganak. Tumingin ako sa mukha niya. Sobrang ganda. Hindi na ako makapag hihinatay na maging asawa ito. Naalala ko lahat ko lahat ng pinagdaanan namin. Hindi ko namanlayan ang pag tulo ng aking mga luha haban

