Chapter 19 Ravena Ginising ako ni Elias, pagsapit ng tanghali. "Miss Disaster, gising na. Baka malipasan ka ng gutom,'' sabay yugyog nito sa aking balikat. Nagising ako at naamoy ko ang mabango niyang niluto. "Ano oras na ba?'' tinatamad kong tanong dahil parang nabibitin pa ako sa tulog ko. Nakatingin ako sa mukha ni Elias. Bakit ba ang gwapo niya? Ang perfect niya tingnan sa paningin ko. Ngayon ko lang inaamin sa sarili ko na siguro gusto ko rin ang ginagawa namin ni Elias dahil sa kagwapuhan niya. Parang siya 'yong tipo ng lalaki na makalaglag panty. Subalit alam ko na walang perpektong tao. Siguro kong siya ang boyfriend ko hindi siguro ako papayag na makipaglandian siya sa iba. Araw-araw siguro sasamahan ko siya kung saan siya pupunta. Wala siguro akong gagawin kundi bantayan

