Chapter 7
Ravena
Kinabukasan nagising ako na masakit ang aking buong katawan. Malungkot akong sumilip sa loob ng comforter na nakatakip sa buo kong katawan.
Napalingon ako sa aking katabi. Isang lalaki na may makapal na kilay at may mahabang pilikmata na makakapal. Mayroon siyang matapang na mukha at may matangos na ilong at mat mapupulang labi.
Naalala ko si Jack. Pareho sila na makapal ang kilay at may mahahabang pilik mata.
Ilang sandali pa dumilat ang kanyang mga mata. Bigla kong kinapa ang aking maskara sinigurado ko kung narito pa ito sa aking mukha.
Nakahinga ako ng maluwag dahil suot-suot ko pa rin ang aking maskara.
"Kamusta ang pakiramdam mo?" tanong nito sa akin sa paos niyang boses habang nakangit
Hindi ko sukat akalain na maibibigay ko ang sarili ko sa iba. Tiningnan ko muna ang aking cellphone para makita ko kung anong oras na. Alas-kwatro na ng madaling araw.
"Aalis na ako. May performance pa ako mamaya," ang sagot ko sa tanong niya.
"Bumuntong hininga siya ng malalim at muling dumagan sa akin.
"Gusto ko makaisa pa bago ka umalis," wika pa nito sa akin.
Hindi na ako sumagot pa at hinayaan ko na lang siya na angkinin niya ako muli. Ang totoo masakit ang buo kong katawan subalit tiniis ko iyon.
Ito ang pinili kong trabaho kaya ano ang karapatan ko na magreklamo?
Subalit inaamin ko nakakaiba ang saya na pinaramdam sa akin ng lalaking ito. Sa bawat pagbayo niya kakaibang sarap ang aking nararamdaman. Kaya naman hindi ko maitatanggi ang aking sarili na hindi sabayan ang bawat pagbayo niya sa akin.
"Are you satisfied, sweetheart?" tanong nito sa akin habang mabilis akong binabayo sabayan pa ng malakas kong pag-ungol.
"Yes! Ahh! Ahh!" sagot ko habang umuungol ng malakas. Pati ang dibdib ko ay umaalog dahil sa malakas niyang pagbayo sa akin
Hindi ko maintindihan ang aking sarili subalit nasasarapan ako sa ginagawa naming dalawa. Alam kong nagtataksil ako kay Jack, subalit para naman sa kanya ang ginagawa kong ito.
Kung sa pagbaba ko ng barko at kamuhian niya ako tatanggapin ko iyon na maluwag sa aking puso. Ang mahalaga gumaling lang siya at maibalik sa dati ang kanyang sigla.
Pagkatapos akong angkinin ng kasiping ko nagbihis na ako. Kahit masakit ang buo kong katawan tinitiis ko na lang.
"Here 20,000 pesos. Para sa virginity mo. And take note habang naririto ako sa barko, paligayahin mo ako ano oras man na gusto ko. At hindi ka pwede makipag-landian sa iba dahil binili kita para magbigay sa akin ng aliw. Naintindihan mo ba?" sabi nito sa akin sa matapang niyang mukha.
Tumango-tango lang ako sa kaniya. Wala na akong panahon para makipagtalo pa sa kaniya. Kinuha ko sa kamay niya ang cash na inaabot niya sa akin.
"Maraming, salamat. Ano ba ang itatawag ko sa'yo?" tanong ko sa kanya habang nilalagay ko sa aking bag ang pera na ibinigay niya sa akin.
"Oh, ako nga pala si Elias Altamerano. What is your name?" taas ang dalawa niyang kilay na tanong sa akin.
"Tawagin mo na lang akong, Ena!" sagot ko sa tanong niya.
"Apelyido?" maawturidad niyang tanong sa akin.
"Wala akong apelyido. Sige, aalis na ako salamat ulit sa pera," sabi ko sa kanya at tumalikod na ako.
"See you later!" Sabi pa nito sa akin bago ako tuluyang lumabas sa kanyang silid.
Hindi ko binigay sa kaniya ang tunay kong pangalan.
Napabuntong hininga ako ng malalim at tumulo na ang mga luha ko habang naglalakad ako patungo sa elevator.
Hindi ko sukat akalain na magiging isang mababang uri ako ng babae. Hindi ko alam kung bakit kailangan na magkalayo kami ni Jack at mangyari ito sa aming dalawa? Kubg hindi lang sana kami naaksidente hindi kami maghihiwalay ni Jack. At wala sana siya ngayon sa hospital
Subalit sa ginagawa kong ito patunay lamang na kung gaano ko siya kamahal. Lahat gagawin ko gumaling lang siya.
Nang makarating ako sa aking silid sa 5th floor agad akong nagtungo sa banyo at hinubad ang kasuotan ko. Nagbabad ako sa bathtub at nilagyan ko iyon ng bubble soap.
Gusto kong lilinisin ang buo kong katawan. Subalit kahit ano pa ang paglinis na gagawin ko hindi na mawawala ang katotohanan na wala na akong dangal at ipinagbili ko na ito sa ibang lalaki.
Pagkatapos kong maligo agad kong tinawagan si Mandy. Nag-video call kaming dalawa.
"Ravena, kumusta ka na riyan? Heto, si Jack tulog," wika sa akin ni Mandy, sabay harap niya ng camera kay Jack.
May mga aparatos pa rin sa katawan ni Jack. May bandage ang kanyang ulo. At nakasimento ang kanyang mga paa. May nakalagay na dextrose sa kanyang kamay at oxygen sa kaniyang ilong.
Parang sasabog ang dibdib ko habang tinitingnan ko ang kalagayan ni Jack. Umiyak na lang ako at napahagulgol dahil sa kabila ng kalagayan niya nagawa ko pa siyang lokohin. Habang siya naghihirap ako naman nagpapakasarap sa piling ng iba.
"Huwag ka ng umiyak. Huwag kang mag-alala dahil hindi ko siya pababayaan. Palagi ka niyang hinahanap. Tinatanong niya ako kung kailan ka uuwi. Sabi ko sa kanya sumakay ka ng barko para magkaroon ng pera pangbayad sa mga bills niya dito sa hospital. Sabi niya sa akin hindi mo raw kailangan na magtrabaho o umalis para sa kaniya. Pwede naman daw siyang humingi sa mga magulang niya ng tulong," sabi pa sa akin ni Mandy.
"Alam ba ng mga magulang niya ang nangyari sa kaniya? Baka mag-alala lang ang mga magulang niya sa kaniya. Baka maisangla lang ng mga magulang niya ang kaperangot na sinasakahan ng mga magulang niya," sabi ko naman kay Mandy.
Ang kwento sa akin ni Jack isang magsasaka ang kanyang ama at may maliit lang silang sakahan sa probinsya. Ayaw ko naman na mawalan ng pagkakakitaan ang mga magulang niya.
"Gigisingin ko ba siya para makausap ka niya? Ang sabi ng doctor kailangan niya ng maoperahan sa lalong madaling panahon. Naghahanap na rin ako ng mapag-uutangan para makatulong ako sa gastusin mo," sabi pa sa akin ni Mandy.
"Huwag ka na maghanap. Nagpadala ako ng kalahating milyon sa bank account mo. Pwede mo na iyon ma-withdraw. Tingnan mo kung pumasok na sa account mo at sabihin mo ang doktor na operahan na si Jack sa lalong madaling panahon dahil nakahanda na ang pera. Huwag mo na rin siyang gisingin para makapagpahinga siya ng maayos. Sabihin mo sa kanya tatawag ako ulit. Sabihin mo na busy pa ako sa trabaho ko. Salamat sa'yo ng marami Mandy. Kung wala ka hindi ko alam kung sino ang lalapitan ko para pakiusapan na alagaan i Jack habang wala ako," sabi ko sa kaibigan ko.
"Walang anuman. Para na kitang kapatid, kaya sino pa ba ang dapat magtutulungan? Basta palagi kang mag-ingat diyan. Hindi pa alam ng mga magulang ni Jack ang nangyari sa kaniya. Hindi niya naman kasi sinasabi sa akin kung paano ko ma-contact ang mga magulang niya para malaman ang sitwasyon niya. Huwag kang mag-alala kausapin ko ang doktor niya na operahan na siya. Para sa gano'n makalakad na ulit siya," wika pa sa akin ni Mandy.
"Sige, best. Ikaw na muna ang bahala kay Jack. Kapag nakasahod na ako ipapadala ko na kaagad sa'yo. Para sa mga kailanganin ninyong dalawa. Sabihin mo sa kaniya mahal na mahal ko siya. At sabihin mo limang buwan na lang bababa na ako," paalam ko kay Mandy.
"Sige, palagi kang mag-iingat," tugon naman nito sa akin at pinatay ko na ang aking cellphone.
Bumuntong hininga ako ng malalim at humiga sa karma. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman sobrang lungkot ko, kaya hinayaan ko na lang ang sarili ko na umiyak.
Naalala ko ang lalaki na naka-siping ko. Ang pangalan niya Elias Altamerano. Ni-research ko ang pangalan niya sa web.
Gano'n lang ang pagkagulat ko nang makita na isa siyang shareholder ng cruise ship na ito.
Patay! Kaya pala ganoon na lang katapang ang loob niya na pagsabihan ako na itapon ako sa dagat dahil isa pala siyang shareholder ng cruise ship na ito na pinagtatrabahuhan ko.
Marami din siyang mga asset. May sariling kompanya subalit hindi nakalagay kung ano ang kompanya niya.
Nakalagay dito sa information niya na single siya. Subalit walang nakalagay tungkol sa pamilya niya o pang ilang anak siya o solo ba siyang anak o hindi? Ang nakalagay pa rito may business siya sa Thailand.
Ang tanga ko talaga dahil hindi ko alam kung sino ang binabangga ko. Parang gusto ko na lang magsuot ng maskara. Paano kaya kapag nalaman niya na ako 'yong babae na nagtapon ng damit niya sa dagat? Baka mamaya ihulog niya nga ako sa dagat.
Hindi ko tuloy alam kung anong gagawin ko. Ang sabi pa naman niya hanggang nandito siya sa barko palagi ko siyang paligayahin. Ibig sabihin palagi kaming magkasama sa gabi o sa umaga man na gustuhin niya na angkinin ang katawan ko. Paano na kaya ito?
Hindi rin ako pwedeng humindi o umayaw dahil buo niyang pinadala ang pera na kalahating milyon sa bank account ni Mandy.
Gusto ko tuloy sabunutan ang sarili ko. Subalit wala na akong magagawa pa kundi ang sumunod na lang sa kasunduan naming dalawa hanggang sa makababa ako sa barko na ito.
May ilang oras pa ako bago sumapit ang performance ko sa bar. Nagbihis na lang ako at nagtungo sa mall. Ipang-shopping ko na lang muna itong ibinigay sa akin ni Elias na pera. Nakaramdam na rin ako ng gutom, kaya sa paborito kong restaurant dito sa cruise ship ako kakain ng umagahan.
Hindi ko pinansin ang sakit sa pagitan ng dalawa kong hita. Sa tuwing naglalakad ako parang tinutusok ito. Parang may sugat ito sa loob subalit kailangan kong tiisin.
Habang nasa restaurant na ako tumawag sa akin si Mama Glenda.
"Ena, kumusta ka na? Kumusta ang gabi mo kasama si Mr. Altamerano?" tanong ni Mama Glenda sa akin.
"Okay, lang po, Mama Glenda. Naka-survive po ako ng isang gabi," sagot ko kay Mama Glenda.
"Mabuti naman kung gano'n. Siya nga pala kaya ako tumawag para sabihin sa'yo na huwag ka na munang pumasok sa trabaho mo at magpahinga ka muna. Iyon ang bilin sa akin ni Mr. Altamerano." Napaawang ang labi ko sa sinabing iyon ni Mama Glenda.
"Sinabi iyon ni Mr. Altamerano?" paninigurado kong tanong sa kaniya.
"Yes, magpahinga ka lang daw muna. Mukhang nagustuhan niya ang performance mo. Sinabi niya sa akin na bantayan kita at baka raw masalisihan siya. Mukhang may pagakaseloso itong si Mr. Altamerano. Mukhang pinagdadamot ka sa iba," sabi pa sa akin ni Mama Glenda.
Plastic akong napangiti sa sinabing iyon ni Mama Glenda.
"Sige, Ena. May pinapaasikaso pa sa akin si Mr. Altamerano," paalam na sa akin ni Mama Glenda.
Napabuntong hininga na lang ako ng malalim pagkatapos namin mag-usap. Kumain na lang ako. Habang kumakain ako bigla na lang akong nagulat ng may humampas sa lamesa.
Laking gulat ko ng mapagsino iti. "Wow, pakain-kain ka lang pala rito, Miss Disaster. Mayaman ka pala, kaya bakit hindi mo na lang bayaran ang damit ko na itinapon mo sa dagat? Parang ang liit ng Cruise Ship na ito para sa ating dalawa?" Sarkastiko pa nitong sabi sa akin.
Ang bilis ng pintig ng aking puso. Mas lalo pa kaya siyang magagalit kung malaman niya na ako ang kasama niya buong gabi? Hindi ko tuloy alam kung ano ang gagawin ko?
"Gaano ba kahalaga sa'yo ang damit na iyon? Bakit ginugulo mo ako sa isang pirasong damit na iyon na ang pangit naman tingnan!" wika ko sa kaniya.
Ngumisi siya ng nakakauyam.
"Walang katumbas na halaga ang damit na iyon dahil may sentimental value iyon sa akin. Okay, na sana na natapunan mo ng kape at nilabhan mo na lang sana kaysa naman tinapon mo sa dagat. Paano kung sisingilin kita ng isang milyon may ibabayad ka ba?"
Napaawang na lang ang labi ko sa sinabi niyang iyon.
Saan naman ako kukuha ng isang milyon? Kaya nga pumayag ako na ibinta ang sarili ko sa kanya para lang makapera. Kulang pa nga ang pera niyang iyon na binayad sa akin kagabi sa sinisingil niyang halaga.
"Abnormal ka ba? Sa ganoon ka pangit na damit sisingilin mo ako ng isang milyon? Heto isang libo," sabay saksak ko ng isang libo sa dibdib niya.
Tumawa siya ng pagak. "Ano naman ang gagawin ko rito sa isang libo? Sa'yo na 'yan. Huwag kang mag-alala dahil kapag nalaman ko na isa kang empleyado rito malapit ka nang mawalan ng trabaho!" Mukhang seryoso ito sa sinasabi niya.
Napalunok ako ng sarili kong laway dahil sa masakit niyang pagtitig sa akin.