Chapter 55 Ravena Nakarating kami ni Yaya sa bahay niya dito sa squatter area. "Aling Magdalena, sino naman yang kasama mong maganda?" tanong ng isang babae na nakatambay sa pintuan ng bahay nila. "Mag-uupa ng bahay ko Bibisitahin ko ang bahay ko rito. Wala na kasing nangungupahan," sabi ni Manang sa babae. Ngumiti lang ito at kung makatingin sa akin parang tagos hanggang buto ko. LMadilim na eskenita ang dinaanan namin ni Yaya. Tumuloy pa kami ni Yaya hanggang dulo hanggang sa huminto kami sa isang pintuan. Iyon na pala ang bahay niya. Para itong apartment style. Sementado subalit maliit lang talaga. Binuksan ni Yaya ang pintuan. "Pumasok ka na," utos nito sa akin. Pumasok ako sa loob at tumingin ako sa paligid sa loob ng bahay. "Parang hindi yata ako rito makahinga Yaya,

